Pura Luka Vega sa nagdedeklara sa kanyang persona non grata: "dadagdan niyo pa!"

Pura Luka Vega sa nagdedeklara sa kanyang persona non grata: "dadagdan niyo pa!"

- Tila may paghamon pa umano si Pura Luka Vega sa mga nagdedeklarang persona non grata sa kanya

- Parami nang parami na umano ang mga lugar na idinedeklara siyang persona non grata

- Ito ay dahil pa rin sa umano'y panggagaya niya sa imahe ni Kristo o ng Poong Nazareno

- Ayon pa sa pinakabagong pahayag ni Pura, lahat naman ng tao umano ay makasalanan at wala umanong perpekto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mabilis na pinag-usapan ang pinakabagong naging pahayag ni drag performer na si Pura Luka Vega.

Pura Luka Vega sa mga lugar na dinedeklara siyang persona non grata: "dadagdan niyo pa!"
Pura Luka Vega (@puralukavega)
Source: Instagram

Ito ay patungkol pa rin sa mga nagdedeklara umanong persona non grata sa kanya kaugnay na tahasang panggagaya niya di umano sa imahe ni Kristo o ng Poong Nazareno.

Matatandaang hindi lamang isa, kundi makailang beses niya itong ginaya sa kabila ng pagpuna sa kanya ng karamihan at sinasabing “blasphemous" pa umano ang nagawa niya sa saliw ng 'Ama Namin' na ginawa pa nitong remix.

Read also

Ogie Diaz sa umano'y no reply ni Kim Chiu: "Hindi ako galit sa'yo"

Sa video na ibinahagi ni Jordy Rae Jepsen, makikita ang tila 'unbothered' na si Pura na naglabas muli ng kanyang pahayag sa kanyang controversial performance.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ito lang masasabi ko, simplehan lang natin ha. Lahat tayo makasalanan, tama? Hindi tayo perpekto, tama? Ganunpaman, do unto others what you want others to do unto you, Okay? Do not do to others what you do not want others to do unto you. Golden rule lang po iyon," ani Pura.

Maging ang pagdedeklara sa kanya ng ilang mga lugar bilang persona non grata ay kanyang nabigyang pahayag din niya.

"So, para sa mga ibang lugar na gusto pa mag-persona non grata diyan, dagdagan niyo pa! Pakialam ko! Separation ng church at ng state," dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Read also

Ogie Diaz sa viral video ng grupong nanira ng gamit sa resort: "Aba'y kinukuha pa 'yung deposit"

Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ng imahe ni Hesukristo.

Gumawa ng ingay performance na ito ni Pura dahil sa umano'y paggaya niya kay Jesus Christ at nakadagdag pa sa isyu ay ang pag-awit ng 'Ama Namin' na sagradong dasal para sa mga Katoliko.

Isa sa mga umalma sa naturang kontrobersiya ay ang ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Nilarawan niyang "looked evil" ang naturang palabas. Katunayan, hindi na raw niya natapos pa ang buong video na kalat na kalat na ngayon sa social media pages. Gayundin si Bataan Rep. Geraldine Roman na bilang kapwa LGBT, pinaalalahanan niya si Pura sa mga bagay na maaring madamay ang kanilang komunidad.

Sa kabila ng mga pambabatikos na ito, patuloy pa rin ginagaya ni Pura ang imahe ng Poong Nazareno. Isa sa mga pinakabagong video na ginawa nito ay ang pag-rate sa ostya o banal na tinapay ng mga Katoliko. Habang ginagawa ito, nakadamit pa rin siya ng imahe ni Kristo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica