Pura Luka Vega, muling gumawa ng ingay sa socmed dahil umano sa 'ostiya'

Pura Luka Vega, muling gumawa ng ingay sa socmed dahil umano sa 'ostiya'

- Muli na namang gumawa ng ingay sa social media ang drag artist na si Pura Luka Vega

- Ito ay matapos na maglabas ng TikTok video kung saan nagawa niyang i-rate ang ostiya ng mga Katoliko

- Inalmahan muli ito ng marami lalo na at hindi pa nagtatagal nang unang gumawa ito ng eksena dahil sa pagkanta ng 'Ama Namin' sa isa niyang drag show

- Sa isang panayam kay Pura, nasabi nitong gagawin pa rin niya ang panggagaya umano kay Kristo sa kabila ng mga pambabatikos sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena ang isang video ni Pura Luka Vega nang muli siyang magdamit na base sa imahe ni Kristo.

Pura Luka Vega, muling gumawa ng ingay sa socmed dahil umano sa 'ostiya'
Pura Luka Vega, muling gumawa ng ingay sa socmed dahil umano sa 'ostiya'
Source: TikTok

Sa pagkakataong ito, pati ang ostiya o ang tinatawag na banal na ostiya ng mga Katoliko ay kanyang naisama sa video.

Read also

Delivery rider na lumusong sa baha at tumatanggi sa tip, labis na hinangaan

Sa naturang TikTok, makikitang ni-rate niya na animo'y ordinaryong tinapay lamang ang ostiya base sa itsura at lasa nito.

Ipinakita niya ang isang buong ostiya at ang disenyong napapaloob dito. Hanggang sa putulin na niyang ito ng ilang piraso saka kinain.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinabi pa nitong "International High School" ang simbolong IHS na napapaloob sa ostiya na ang tunay na kahulugan ay IHS "Iesus Hominum Salvator" sa Latin na ang ibig sabihin ay "Jesus, Savior of Men."

"Overall, I give this an 8.5 over 10. Really good... really really good" ani Pura.

Muli, inalmahan ito ng publiko lalo na ng mga Katoliko at umani ng mga komento na nagsasabing nakakawalang respeto ito sa relihiyon.

Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ni Joy Monternel Quilicot:

Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ng imahe ni Hesukristo.

Read also

Pura Luka Vega nang matanong kung gagawin muli niya ang paggaya kay Kristo: "Yes"

Gumawa ng ingay performance na ito ni Pura dahil sa umano'y paggaya niya kay Jesus Christ at nakadagdag pa sa isyu ay ang pag-awit ng 'Ama Namin' na sagradong dasal para sa mga Katoliko.

Isa sa mga umalma sa naturang kontrobersiya ay ang ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Nilarawan niyang "looked evil" ang naturang palabas. Katunayan, hindi na raw niya natapos pa ang buong video na kalat na kalat na ngayon sa social media pages. Gayundin si Bataan Rep. Geraldine Roman na bilang kapwa LGBT, pinaalalahanan niya si Pura sa mga bagay na maaring madamay ang kanilang komunidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica