Gladys Guevarra, kinumpirmang kinasal siya: "Hindi po ito collab, ito po ay katotohanan"
- Kinumpirma ni Gladys Guevarra na kinasal na siya at masayang-masaya siya sa kanyang buhay bilang isang may bahay
- Sa isang Facebook live, sinabi niyang sana ay maintindihan na ayaw niya nang ibahagi sa publiko ang picture nito
- Nais lamang daw niyang ibahagi lalo sa kanyang mga tagasuporta ang kasiyahan niya sa kasalukuyan
- Maririnig naman ang sa naturang video ni Gladys ang boses ng kanyang asawa na nauna na niyang tinawag sa initials na AD
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinumpirma ni Gladys Guevarra na kinasal na siya. Ito ay matapos ang kanyang pag-post ng picture niyang nakasuot ng bridal gown.
Aniya, sana ay maunwaan ng publiko ang kanyang desisyon na huwag nang isapubliko ang kanyang asawa. Hindi din daw gusto ng asawa niya na ipakita siya dahil pribado itong tao.
Sa isang Facebook live, sinabi ni Gladys na late post na ang kanyang binahaging picture kalakip ng kanyang mensahe tungkol sa bagong pag-ibig niya.
Ani Gladys, pinagpaalam niya muna sa asawa niya at sa in-laws niya ang kanyang pag-post ng picture niya na naka-wedding gown. Gusto lang daw niyang ibahagi sa kanyang mga tagasuporta ang kanyang kasiyahan.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Gladys Guevarra ay isa sa mga kilalang komedyante at voice impersonator sa bansa. Siya ay naging lead vocalist ng bandang Gladys and the Boxers with K. Kabilang sa kanilang pinasikat na awitin ay ang Sasakyan Kita. Nakilala din siya sa kanyang paggaya ng boses nina Annabelle Rama at ng yumaong komedyanteng si Mahal.
Matatandaang Mayo ng taong 2021 nang ikasal sina Gladys at ang non-showbiz niyang karelasyon na si Mike Navarrete. Mismong si Gladys ang nagbahagi nito sa kanyang social media page. Marami naman sa kasamahan niya sa industriya ang naghayag ng kanilang kasiyahan para kay Gladys. Kabilang sina Marian Rivera, Ruby Rodriguez at Jaya sa mga bumati sa kanya.
Nag-post si Gladys ng mensahe tungkol sa bagong pag-ibig niya at pasasalamat sa Panginoon. Sa kanyang Facebook post ay nakadamit pangkasal siya ngunit wala na itong ibang pictures na binahagi. Sa naturang post ay pinagpasalamat ni Gladys na may tao itong inilaan para sa kanya sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan. Hindi din nito pinangalanan ang taong tinutukoy niya pero tinawag niya ito bilang AD.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh