Markus sa sinapit ng relasyon nila noon ni Janella: "The fights became more frequent"

Markus sa sinapit ng relasyon nila noon ni Janella: "The fights became more frequent"

- Natanong ni Ogie Diaz kay Markus Paterson kung ano nga ba ang sinapit ng relasyon nila ni Janella Salvador

- Ito ay dahil sa panay naman ang puri ni Markus kay Janella sa pagiging ina nito sa anak nilang si Jude

- Inamin ni Markus na dumalas ang away nila ni Janella dahilan para pag-isipan na ang estado ng kanilang relasyon

- Matatandaang sina Markus at Janella ay nabiyayaan ng isang supling na si Baby Jude

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay ni Markus Paterson sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa totoong dahilan ng hiwalayan nila noon ni Janella Salvador.

Markus sa sinapit ng relasyon nila noon ni Janella: "The fights became more frequent"
Markus Paterson (@markus)
Source: Instagram

Panay ang papuri ni Markus kay Janella pagdating sa anak nilang si Jude kaya naman tila nagtaka si Ogie at napatanong ng "What went wrong?"

Read also

Markus Paterson sa pagiging co-parent ni Janella: "I couldn't ask for a better mother of my child"

"To put it simply, it wasn't perfect. Actually perfect 'nung nasa UK pa kami. Pero nung bumalik na kami dito sa Pilipinas, kasi COVID nung time na 'yun di ba? Sobrang delikado e kailangan na naming mag-work. Alot of realities set-in. Kailangan pala ng ganito, ang hirap. Kailangan pala ng yaya, di pa tayo nakahanap ng yaya. Ang daming naging problem na it got to a point na we weren't talking anymore," sagot ni Markus.

Aminado rin itong nadadalas ang kanilang away at hindi pagkakaintindihan na isa umanong dahilan bakit pinili na lang nila na maghiwalay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"The fights became more frequent. 'Til we just decided not to not pursue this anymore cause it's just wasn't helping And we don't wanna raise Jude in a household na palaging nag-aaway. So we decided to take a break, and see how we feel and dun lang naging perfect yung set-up e. We started of as really good friends, and that's where we're at again now" dagdag pa ni Markus.

Read also

Xia Vigor at Sophia Reola, pinagluksa ang pagpanaw ng kapwa child star nilang si JM Canlas

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Mark Paul Robert Paterson o mas kilala bilang si Markus Paterson ay isang actor, singer, television host, at athlete. Minsan siyang naging bahagi ng reality show na Pinoy Boyband Superstar. Siya ay naging partner ni Janella Salvador kung saan nabiyayaan sila ng isang anak, si Jude Trevor. Subalit dahil umano sa hindi pagkakaunawaan, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon na umano'y mas nadalas nang bumalik na sila sa Pilipinas.

Samantala, naging kontrobersyal ang pahayag noon ni Markus sa kanilang podcast na 'Boy after dark' kung saan nasabi niyang "never date someone from the industry." Nagkataong ito ay matapos ang hiwalayan nila ni Janella kaya inakala ng marami na ito ay patungkol sa aktres.

Gayunpaman, pinabulaanan ni Markus na patungkol ito sa ina ng kanyang anak lalo na at nakapag-post naman siya ng papuri sa aktres matapos na maging usap-usapan ang kanyang naging pahayag. Matatandaang inalmahan ito ni Cristy Fermin lalo na at alam nilang nakakainom sina Markus at kanyang mga kasama sa podcast nang masabi niya ang naturang pahayag.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica