Dra. Vicki Belo, binahagi ang nakakaaliw na challenge kasama sina Mona at Ivana Alawi

Dra. Vicki Belo, binahagi ang nakakaaliw na challenge kasama sina Mona at Ivana Alawi

- Kinaaliwan sina Dra. Vicki Belo kasama ang magkapatid na Mona at Ivana Alawi sa kanilang Mommy Challenge

- Habang nasa Italy ay kasama nila ng asawang si Hayden Kho ang pamilya nina Ivana

- Namasyal sila at naglibot nang magkakasama habang nagpapagalingan sina Ivana at Mona na maging paboritong anak ng kanilang "mama"

- Marami ang naaliw sa kakulitan ng magkapatid at pagiging sweet ng mag-asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Dra. Vicki Belo sa kanyang vlog ang challege niya na maging mama nina Mona at Ivana Alawi. Ito ay habang nasa Italy sila kasama din ang pamilya ni Ivana.

Dra. Vicki Belo, binahagi ang nakakaaliw na challenge kasama sina Mona at Ivana Alawi
Dra. Vicki Belo, binahagi ang nakakaaliw na challenge kasama sina Mona at Ivana Alawi (Dr. Vicki Belo/YouTube)
Source: Youtube

Masayang nakipagkulitan ang magkapatid sa kanilang mama at papa habang naglilibot. Tuwang-tuwa naman si Dra. Belo sa magkakapatid dahil kahit mga palabiro ay mababait daw ang mga ito.

Read also

Zeinab Harake, pinakita sa vlog ang pagiging malapit ng mga anak sa kanilang Daddy Ray

Nakaranas pa ng prank si Dra. Belo sa magkakapatid. Nang puntahan niya ang magkakapatid ay nagulat siya nang makitang si Hash pala ang natutulog at nagkukunyaring si Ivana.

Marami ang naaliw sa kakulitan ng magkapatid at pagiging sweet ng mag-asawa. Narito ang ilan sa mga komento:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sobrang galing ni ate Ivana at Mona magpatawa at magpasaya! Kaya gusto kotong vlog nato e
Love it so funny and ang sarap maging mommy si Dr Vicky cool lang at daddy Hayden
Ang cute cute naman nang bonding ninyo Doc. Para talaga kayong mag nanay at tatay

Si Ivana Alawi ay sumikat at nakilala matapos niyang pasukin ang paggawa ng YouTube content. Kahit dati nang artista, mas sumikat siya nang naging vlogger siya. Sa katunayan mayroon nang mahigit 16 milyon ang kanyang subscribers sa YouTube. Matapos ang pagsikat niya sa social media, nagkaroon siya ng maraming oportunidad kabilang na ang pagbida niya sa isang serye.

Read also

Janice De Belen, aminadong ninerbiyos sa eksena nila ni Vice Ganda

Nagbahagi si Ivana ng isang quote tungkol sa pagkakaroon ng mabuting kalooban. Aniya, maaring mawala ang kagandahang panlabas ngunit ang pagkakaroon ng mabuting puso ay mananatili. Marami naman sa kanyang mga followers ang sumang-ayon sa binahagi niyang kasabihan. Isa umano si Ivana sa mga taong bukod sa mayroong kagandahang panlabas ay mayroon ding mabuting kalooban.

Binahagi ni Ivana sa vlog niya kasama ang kanyang ate na si Amira Alawi at ang kanilang mama. Sinama niya sila sa pamimili ng ukay-ukay na damit at dapat ay hindi sila lumagpas sa kanilang budget na tig P1,000 kada isa. Binigay naman ni Ivana ang pagpapasya sa mga viewers ng vlog niya para matukoy kung sino ang may pinakamagandang napamili sa kanilang tatlo. Ani Ivana, makakatanggap ng P50,000 ang mananalo sa kanilang "Ukay Shopping Challenge."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel