Zeinab Harake, pinakita sa vlog ang pagiging malapit ng mga anak sa kanilang Daddy Ray

Zeinab Harake, pinakita sa vlog ang pagiging malapit ng mga anak sa kanilang Daddy Ray

- Pinasilip ni Zeinab Harake kung gaano kalapit si Bobby Ray Parks sa kanyang mga anak na sina Lucas at Bia

- Sa kanyang bagong vlog kung saan nagbukas sila ng mga birthday gifts ng anak niyang si Lucas, naroroon din si Ray

- Daddy ang tawag nina Bia at Lucas kay Ray na kasalukuyang nakatira kina Zeinab dahil babalik din daw ito sa Japan pagkatapos ng kanyang laro

- Anak din ang tawag ni Ray sa mga ito at naibahagi na ni Zeinab sa naunang mga video niya na malapit ito sa kanyang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa vlog ni Zeinab Harake ay nakita kung gaano kalapit ang mga anak niyang sina Bia at Lucas sa boyfriend niyang si Bobby Ray Parks. Daddy ang tawag nina Bia at Lucas kay Ray na kasalukuyang nakatira kina Zeinab dahil babalik din daw ito sa Japan pagkatapos ng kanyang laro.

Read also

Zeinab, natuwa sa sagot ni Lucas sino ang paborito nito: "Mommy and Daddy Ray"

Zeinab Harake, pinakita sa vlog ang pagiging malapit ng mga anak sa kanilang Daddy Ray
Zeinab Harake, pinakita sa vlog ang pagiging malapit ng mga anak sa kanilang Daddy Ray (Zeinab Harake/YouTube)
Source: Youtube

Sa naturang vlog ay nag-unbox ng birthday gifts ni Lucas ang mag-ina. Naroon din si Ray na sa huling bahagi na ng video sumali sa mag-iina. Tinawag siya ni Bia na Daddy Ray at anak ang tawag nito kay Bia at maging kay Lucas.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ibinahagi ni Zeinab Harake sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpunta sa concert kamakailan ni Bruno Mars. Aniya, sobrang iniidolo niya si Bruno kaya masayang-masaya siya na makapunta sa concert at aniya ay ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks ang nagbigay ng ticket niya. Pabiro pang sinabi ni Zeinab na sa wakas ay nakahanap daw siya ng sugar daddy dahil lagi na lang daw siya ang sugar mommy. Marami naman ang bumilib kay Ray dahil sa pagiging supportive nito sa pagiging fan girl ni Zeinab.

Hindi napigilang maiyak ni Zeinab Harake habang nakikinig ng awitin ni Bruno Mars sa concert nito. Ito ang awiting 'Talking to the Moon' na aniya ay kanyang pinakinggan noong panahong malungkot siya. Matatandaang naibahagi ni Zeinab ang tungkol sa pagkawala ng anak niya na pinagbubuntis at tinawag niya ang anak niya na si Moon. Habang naiiyak ay naroroon naman ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks na umalalay lang sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel