Deborah Sun, naiyak nang makita ang renovated na condo ni Ara Mina

Deborah Sun, naiyak nang makita ang renovated na condo ni Ara Mina

- Natapos na ang renovation sa condo unit na pagmamay-ari ni Ara Mina na pinapatirahan niya kina Deborah Sun at mga anak nito

- Sa tulong ng mag-asawang Julius at Christine Babao, napadali ang pagpapaganda ng condo

- Matapos ang dalawang linggo ay pinakita nila sa mag-iina ang condo at hindi napigilang maiyak ng beteranang aktres

- Abot-abot ang kanyang pasasalamat hindi lamang kay Ara Mina kundi pati na rin sa mag-asawang Julius at Tintin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Abot-abot ang pasasalamat ni Deborah Sun matapos iparenovate ni Ara Mina ang condo unit na pinatitirhan sa kanila. Di napigilang maiyak ni Deborah nang makita niya ang condo na pinaayos sa tulong din ng mag-asawang Julius at Christine Babao.

Deborah Sun, naiyak nang makita ang renovated na condo ni Ara Mina
Deborah Sun, naiyak nang makita ang renovated na condo ni Ara Mina (@therealaramina)
Source: Instagram

Sa YouTube channel ni Julius Babao ay naibahagi niya ang muling pag-uwi ng mag-iina sa condo unit ni Ara matapos ang dalawang linggong renovation.

Read also

Ara Mina, nakasama ang asawa at ang ex niyang si Patrick Meneses sa #DearHeart concert

Bukod sa mga cabinet na inilagay para maiayos ang mga gamit nila, inayos din ang sahig pati na ang bintana ng kwarto nila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ara Mina o Hazel Pascual Reyes-Almarinez sa totoong buhay ay isang aktres at kilalang negosyante sa bansa. Nabiyayaan siya ng anak at noong 2021, ikinasal siya sa businessman na si Dave Almarinez. Binansagan siya bilang "Millennium Goddess" at ginawaran ng FAMAS Award for Best Actress.

Naibahagi ni Ara Mina na ayaw sana niyang pag-usapan ang pagtulong na ginagawa niya kay Deborah Sun na pitong taon nang naninirahan sa kanyang condo. Aniya, nabili niya ang naturang condo noong nasa That's Entertainment pa lang siya at una daw niyang investment iyon. Maliit lang daw ang condo at good for one person lang daw ang studio unit na iyon. Dagdag pa ni Ara, okay lang na doon si Deborah kahit habangbuhay pa raw siya doon tumira.

Muling nagkita sina Ara at Deborah matapos ang ilang taon na hindi sila nagkikita nang personal. Kahit hindi sila nagkikita ay sinabi ni Deborah na tuloy-tuloy ang pagtulong nito bukod pa sa pagpapatira ni Ara sa kanila sa condo niya. Abot-abot ang pasasalamat ni Deborah at naiyak pa ito habang binabanggit ang kanyang mensahe. Ayon kay Ara, hindi niya pa ito nabibisita sa condo nito simula nang pinatira niya ang mga ito sa kanilang bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel