Ara Mina at Deborah Sun, emosyonal sa muli nilang pagkikita

Ara Mina at Deborah Sun, emosyonal sa muli nilang pagkikita

- Muling nagkita sina Ara Mina at Deborah Sun matapos ang ilang taon na hindi sila nagkikita nang personal

- Kahit hindi sila nagkikita ay sinabi ni Deborah na tuloy-tuloy ang pagtulong nito bukod pa sa pagpapatira ni Ara sa kanila sa condo niya

- Abot-abot ang pasasalamat ni Deborah at naiyak pa ito habang binabanggit ang kanyang mensahe

- Ayon kay Ara, hindi niya pa ito nabibisita sa condo nito simula nang pinatira niya ang mga ito sa kanilang bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal ang pagkikita nina Ara Mina at Deborah Sun matapos ang ilang taon na hindi sila nagkikita. Sa panayam ni Julius Babao ay naibahagi ni Deborah na kahit hindi sila nagkikita ay tuloy-tuloy ang pagtulong nito bukod pa sa pagpapatira ni Ara sa kanila sa condo niya.

Read also

Deborah Sun, naaksidente sa taping ng ‘Batang Quiapo’

Ara Mina at Deborah Sun, emosyonal sa muli nilang pagkikita
Ara Mina at Deborah Sun, emosyonal sa muli nilang pagkikita (Julius Babao UNPLUGGED/YouTube)
Source: Youtube

Isang beses lang umano nagkatrabaho sina Deborah at Ara ngunit sa tingin ni Ara ay naging instrumento siya ng Panginoon para matulungan si Deborah.

Aniya, sa tingin niya ay mission niya ang matulungan si Deborah dahil nakita niya ang pagbabago dito na paunti-unti.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ani Ara, hindi naman niya binabanggit ang tungkol sa pagtulong niya pero ilang beses nang sinasabi ni Deborah ang kanyang malaking utang na loob kay Ara tuwing nakakapanayam siya ng ibang tao. Aniya ang haba ng pasensiya ni Ara sa kanya na kahit umabot na ng mahigit pitong taon ay hindi ito nagsasawang tumulong sa kanya.

Ara Mina at Deborah Sun, emosyonal sa muli nilang pagkikita
Ara Mina at Deborah Sun, emosyonal sa muli nilang pagkikita (Julius Babao UNPLUGGED/YouTube)
Source: Youtube

Si Deborah Sun ay isa sa limang anak ng yumaong actor-director na si Leroy Salvador sa dating actress na si Corazon `Baby’ Porcuna. Half-sister ni Deborah ang actress na si Jobelle Salvador at pinsang buo naman nila si Maja Salvador.

Read also

Ara Mina, may listahan ng mga kaibigang artista na walang trabaho

Matatandaang marami ang nagulantang sa muling pagkakaaresto kay Debora sa mismong condo unit ni Ara Mina na pinapatirhan niya nang libre sa mag-iina. Kinalaunan ay naglabas ng pahayag si Ara kaugnay sa pagkakahuli sa aktres sa mismong condo na libre niyang pinapagamit.

Hindi napigilang maiyak ng dating aktres na si Deborah Sun habang nagbibigay ng kanyang mensahe habang nakapanayam siya ni Aster Amoyo. Umapela siya sa mga taong may kakayahan na mabigyan siya ng trabaho kahit umano hindi na sa harap ng kamera. Handa siyang tanggapin ang anumang trabahong ibigay umano sa kanya kahit pa maging personal assistant siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel