Ara Mina, may listahan ng mga kaibigang artista na walang trabaho

Ara Mina, may listahan ng mga kaibigang artista na walang trabaho

- Naibahagi ni Ara Mina na may listahan siya ng mga kaibigan niyang artista na walang masyadong projects

- Aniya, siya mismo ang nagsasabi sa mga executive producer na kakilala niya para matulungan ang ibang kapwa niya artista

- Sa vlog ni Julius Babao ay nabanggit ni Ara na paraan niya rin ito para mapaalala sa mga EP kaya natanong siya kung nagma-manage daw ba siya ng artista

- Sa naturang vlog ay sinorpresa ni Ara ang artistang si Deborah Sun na matagal na niyang tinutulungan sa pamamagitan ng pagpapatira nang libre sa kanyang bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Ara Mina, nakalista aang pangalan ng mga kaibigan niyang artista na walang masyadong projects. Siya mismo ang nagsasabi sa mga executive producer na kakilala niya para matulungan ang ibang kapwa niya artista.

Read also

Deborah Sun, naaksidente sa taping ng ‘Batang Quiapo’

Ara Mina, may listahan ng mga kaibigang artista na walang trabaho
Ara Mina, may listahan ng mga kaibigang artista na walang trabaho (@therealaramina)
Source: Instagram

Ani Ara, kung minsan kasi ay nakakaligtaan ng ibang mga EP ang mga artistang hindi masyadong napapanood sa TV kaya siya daw mismo ang natatanong.

Natanong pa raw si Ara kung nagma-manage daw ba siya ng artista.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ara Mina o Hazel Pascual Reyes-Almarinez sa totoong buhay ay isang aktres at kilalang negosyante sa bansa. Nabiyayaan siya ng anak at noong 2021, ikinasal siya sa businessman na si Dave Almarinez. Binansagan siya bilang "Millennium Goddess" at ginawaran ng FAMAS Award for Best Actress.

Naibahagi ni Ara Mina na ayaw sana niyang pag-usapan ang pagtulong na ginagawa niya kay Deborah Sun na pitong taon nang naninirahan sa kanyang condo. Aniya, nabili niya ang naturang condo noong nasa That's Entertainment pa lang siya at una daw niyang investment iyon. Maliit lang daw ang condo at good for one person lang daw ang studio unit na iyon. Dagdag pa ni Ara, okay lang na doon si Deborah kahit habangbuhay pa raw siya doon tumira.

Muling nagkita sina Ara at Deborah matapos ang ilang taon na hindi sila nagkikita nang personal. Kahit hindi sila nagkikita ay sinabi ni Deborah na tuloy-tuloy ang pagtulong nito bukod pa sa pagpapatira ni Ara sa kanila sa condo niya. Abot-abot ang pasasalamat ni Deborah at naiyak pa ito habang binabanggit ang kanyang mensahe. Ayon kay Ara, hindi niya pa ito nabibisita sa condo nito simula nang pinatira niya ang mga ito sa kanilang bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel