Deborah Sun, naaksidente sa taping ng ‘Batang Quiapo’

Deborah Sun, naaksidente sa taping ng ‘Batang Quiapo’

- Naibahagi ni Deborah Sun ang tungkol sa nangyaring aksidente sa set ng "Batang Quiapo"

- Nawalan daw siya ng balanse at tumama ang mukha niya sa semento kaya nagkapasa siya

- Isinugod siya sa ospital dahil dito at nagpasalamat siya sa mga kasamahan niya na hindi siya pinabayaan

- Aniya, ang mahalaga ay natapos niya at nagawa pa rin ang kanyang huling eksena dahil namaalam na ang kanyang karakter sa naturang serye

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isinugod sa ospital si Deborah Sun kasunod ng kanyang pagkasubsob habang nasa taping ng Batang Quiapo. Sa ulat ng Abante News, sinabi raw ng manager ni Deborah na baka operahan daw at lagyan ng bakal dahil bukod sa mukha ay pati ang braso nito hanggang balikat ay namaga.

Deborah Sun, naksidente sa taping ng ‘Batang Quiapo’
Deborah Sun, naksidente sa taping ng ‘Batang Quiapo’
Source: Facebook

Sa ulat naman ni Pilar Mateo ng Hataw, naibahagi niya ang mensahe ni Deborah kung saan pinasalamatan niya ang mga taong tumulong sa kanya.

Read also

Willie Revillame, handa na raw tumakbong senador sa 2025

“Pilar, nak paabot mo ang pasasalamat ko kay Sen. Lito Lapid sa tulong na ipinadala niya sa akin. Kay Ara Mina na sobrang nag-aalala sa akin. Maya’t maya text ng text at tawag ng tawag kinakamusta ang kalagayan ko. And siyempre sobrang nagpapasalamat din ako kay Direk Coco Martin at ABS-CBN na hindi nila ako pinababayaan.

Aniya, hindi siya pinabayaan sa mga gastusin sa pagpapagamot. Kabilang sila Ara Mina, Coco Martin, Lito Lapid at ABS-CBN sa kanyang pinasalamatan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang nasa taping daw ay nawalan siya ng balanse at nasubsob.

Sa kabila ng nangyari ay ang mahalaga raw na natapos niya ang eksena niya.

“Aksidente naman iyon nak. Importante nagawa ko pa rin iyong dapat sa eksena.”

Si Deborah Sun ay isa sa limang anak ng yumaong actor-director na si Leroy Salvador sa dating actress na si Corazon `Baby’ Porcuna. Half-sister ni Deborah ang actress na si Jobelle Salvador at pinsang buo naman nila si Maja Salvador.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

Matatandaang marami ang nagulantang sa muling pagkakaaresto kay Debora sa mismong condo unit ni Ara Mina na pinapatirhan niya nang libre sa mag-iina. Kinalaunan ay naglabas ng pahayag si Ara kaugnay sa pagkakahuli sa aktres sa mismong condo na libre niyang pinapagamit.

Hindi napigilang maiyak ng dating aktres na si Deborah Sun habang nagbibigay ng kanyang mensahe habang nakapanayam siya ni Aster Amoyo. Umapela siya sa mga taong may kakayahan na mabigyan siya ng trabaho kahit umano hindi na sa harap ng kamera. Handa siyang tanggapin ang anumang trabahong ibigay umano sa kanya kahit pa maging personal assistant siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel