Deborah Sun, naiyak na nagmakaawa na sana ay mabigyan siya ng trabaho
- Hindi napigilang maiyak ng dating aktres na si Deborah Sun habang nagbibigay ng kanyang mensahe habang nakapanayam siya ni Aster Amoyo
- Umapela siya sa mga taong may kakayahan na mabigyan siya ng trabaho kahit umano hindi na sa harap ng kamera
- Handa siyang tanggapin ang anumang trabahong ibigay umano sa kanya kahit pa maging personal assistant siya
- Matatandaang naging usap-usapan si Deborah matapos siyang maaresto sa condo unit ni Ara Mina na pinatirhan sa kanilang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Hindi na napigilang umiyak ni Deborah Sun habang umaapela siya sa taong may kakayahang makapagbigay sa kanya ng trabaho.
Sa panayam sa kanya ng kolumnista at talent manager na si Aster Amoyo, hiniling ni Deborah na sana ay mabigyan siyang muli ng pagkakataon na makapagtrabaho.
Aniya, kahit hindi na sa harap ng kamera. Handa umano siyang tanggapin kahit ang pagiging personal assistant.
Naibhagi rin ni Deborah ang kanyang pasasalamat kay Ara Mina sa kautihang loob nito na patirahin sila ng kanyang mga anak sa condo unit nito.
Bukod sa pagpapatira sa kanila ng kanyang mga anak, madalas pa siya umanong bigyan ng grocery items ni Ara.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Deborah Sun ay isa sa limang anak ng yumaong actor-director na si Leroy Salvador sa dating actress na si Corazon `Baby’ Porcuna. Half-sister ni Deborah ang actress na si Jobelle Salvador at pinsang buo naman ng nila si Maja Salvador.
Matatandaang marami ang nagulantang sa muling pagkakaaresto kay Debora sa mismong condo unit ni Ara Mina na pinapatirhan niya nang libre sa mag-iina. Kinalaunan ay naglabas ng pahayag si Ara kaugnay sa pagkakahuli sa aktres sa mismong condo na libre niyang pinapagamit.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh