Ara Mina, okay lang na patirahin si Deborah Sun sa condo habangbuhay

Ara Mina, okay lang na patirahin si Deborah Sun sa condo habangbuhay

- Naibahagi ni Ara Mina na ayaw sana niyang pag-usapan ang pagtulong na ginagawa niya kay Deborah Sun na pitong taon nang naninirahan sa kanyang condo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Aniya, nabili niya ang naturang condo noong nasa That's Entertainment pa lang siya at una daw niyang investment iyon

- Maliit lang daw ang condo at good for one person lang daw ang studio unit na iyon

- Dagdag pa ni Ara, okay lang na doon si Deborah kahit habangbuhay pa raw siya doon tumira

Ayon kay Ara Mina, kahit habangbuhay na nakatira si Deborah Sun sa kanyang condo ay okay lang. Sa panayam ni Timmy Basil ay nabanggit niyang unang investment niya daw ang condo na nabili pa niya noong siya ay nasa That's Entertainment.

Read also

Megastar, na-bash umano sa pagbanggit ng 'Alden' kay Maine; nagpaliwanag ayon kay Ogie D

Ara Mina, okay lang na patirahin si Deborah Sun sa condo habangbuhay
Ara Mina, okay lang na patirahin si Deborah Sun sa condo habangbuhay (Snooky Serna/YouTube)
Source: Youtube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nang matanong si Ara kung forever na daw ba si Deborah sa kanyang condo wala naman itong pagtutol at okay lang daw na manatili siya doon kung wala siyang ibang matitirhan.

Kung hangga't kaya. Oo, pwede naman na doon lang siya. Kung wala naman siyang matitirhan.

Ara Mina, okay lang na patirahin si Deborah Sun sa condo habangbuhay
Ara Mina, okay lang na patirahin si Deborah Sun sa condo habangbuhay (Timmy Basil/YouTube)
Source: Youtube

Matatandaang sa panayam ni Snooky Serna ay naging emosyonal si Deborah habang binabahagi niya ang malaking tulong ni Ara sa kanya na pagpapatira sa kanyang condo nang libre sa loob ng pitong taon.

Si Deborah Sun ay isa sa limang anak ng yumaong actor-director na si Leroy Salvador sa dating actress na si Corazon `Baby’ Porcuna. Half-sister ni Deborah ang actress na si Jobelle Salvador at pinsang buo naman nila si Maja Salvador.

Matatandaang marami ang nagulantang sa muling pagkakaaresto kay Debora sa mismong condo unit ni Ara Mina na pinapatirhan niya nang libre sa mag-iina. Kinalaunan ay naglabas ng pahayag si Ara kaugnay sa pagkakahuli sa aktres sa mismong condo na libre niyang pinapagamit.

Read also

Vhong Navarro, nagdiwang ng kaarawan; Kanto Boys, muling nagsama-sama

Hindi napigilang maiyak ng dating aktres na si Deborah Sun habang nagbibigay ng kanyang mensahe habang nakapanayam siya ni Aster Amoyo. Umapela siya sa mga taong may kakayahan na mabigyan siya ng trabaho kahit umano hindi na sa harap ng kamera. Handa siyang tanggapin ang anumang trabahong ibigay umano sa kanya kahit pa maging personal assistant siya. Matatandaang naging usap-usapan si Deborah matapos siyang maaresto sa condo unit ni Ara Mina na pinatirhan sa kanilang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel