Megastar, na-bash umano sa pagbanggit ng 'Alden' kay Maine; nagpaliwanag ayon kay Ogie D

Megastar, na-bash umano sa pagbanggit ng 'Alden' kay Maine; nagpaliwanag ayon kay Ogie D

- Nagkaroon ng pagkakataong makausap ni Ogie Diaz si Sharon Cuneta tungkol sa umano'y pamba-bash na natamo niya sa E.A.T. guesting

- Partikular na rito ang pagbanggit umano ni Sharon kay Maine ng pangalan ni Alden

- Paliwanag ni Sharon, nasabi lamang niya ang proyektong ginagawa kasama si Alden

- Matatandaang minsang naging love team sa 'Eat Bulaga' sina Alden at Maine kung saan nabuo ang 'AlDub'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Sharon Cuneta ang naging special guest ng E.A.T. sa kauna-unahang episode nila sa TV5.

Megastar, na-bash umano sa pagbanggit ng 'Alden' kay Maine; nagpaliwanag ayon kay Ogie D
Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kabi-kabilang bashing ang natamo ng Megastar matapos na mabanggit ang pangalan ni Alden Richards kay Maine Mendoza.

Kaugnay nito, nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na makausap ang Megastar na nilinaw ang mga pangyayari sa naturang guesting.

Read also

Cristy Fermin, binati si Pauleen Luna: "'Nung dumating ang swerte, bumuhos"

"Sinagot din ni Sharon sa atin ang pagbanggit niya sa pangalan ni Alden kay Maine Mendoza na feeling ng ibang netizen ay hindi manlang nagpasintabi o naisip ni Sharon na ikakasal na si Maine kay Arjo Atayde. Pero parang siya ay tinutukso pa si Maine kay Alden. Sabi lang naman daw niya ay may ginagawa silang pelikula at kasama niya si Alden. E ano naman daw doon ang pambabastos kay Maine? E dati naman daw love team ang dalawa sa Bulaga. Hindi naman daw siya nagpaka-naughty that time sabi pa ni Megastar sa atin," paglilinaw ng Megastar sa panayam sa kanya ni Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag na naibahagi sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Sharon Cuneta ay isang singer at actress sa Pilipinas. Sa husay niya sa kanyang larangan tinagurian siyang "Megastar." Taong 1984 nang maganap ang umano'y kasalan nila ni Gabby Concepcion na nauwi rin sa hiwalayan.

Read also

Luis Manzano sa pagkanta ni Anne Curtis kay Peanut: "First time ko nakita naguluhan anak ko"

Nabiyayaan sila ng supling at ito nga ay si KC Concepcion. Muling nag-asawa ang Megastar at ito nga ay ang dating senador na si Kiko Pangilinan kung saan nabiyayaan sila ng tatlo pang mga anak.

Matatandaang sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, hindi na napigilan pa ni Sharon ang pagbulalas niya ng totoong estado ng relasyon nila ng anak na si KC. Nabanggit din niya kung gaano niya ito kamahal at gaano ito kahalaga sa kanya lalong-lalo na sa kanilang pinagdaanan bilang mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel