Ara Mina, nakasama ang asawa at ang ex niyang si Patrick Meneses sa #DearHeart concert

Ara Mina, nakasama ang asawa at ang ex niyang si Patrick Meneses sa #DearHeart concert

- Ibinahagi ni Ara Mina sa kanyang vlog ang panonood nila sa concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

- Kasama niya ang anak na si Mandy, ang mister na si Dave Almarinez at ang ama ng kanyang anak na si Patrick Meneses na kasama naman ang kanyang partner

- Makikita sa vlog ang ilang eksena sa backstage ng concert hanggang sa pagkatapos ng concert

- Matatandaang imbitado din si Patrick sa kasal nina Ara at Dave na ginanap noong June 30, 2021 sa Baguio

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kasama ni Ara Mina ang kanyang anak na si Mandy at ang asawa niyang si Dave Almarinez nang manood ng #DearHeart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Kasama din nila ang ex ni Ara na ama ni Mandy na si Patrick Meneses na kasama naman ang asawa niya.

Read also

Rica Peralejo sa nangbatikos sa kanya: "Nakakabulag ang self righteousness"

Ara Mina, nakasama ang asawa at ang ex niyang si Patrick Meneses sa #DearHeart concert
Ara Mina, nakasama ang asawa at ang ex niyang si Patrick Meneses sa #DearHeart concert
Source: Instagram

Makikita sa vlog ang ilang eksena sa backstage ng concert hanggang sa pagkatapos ng concert. Pinakilala ni Ara kay Gabby ang kanyang asawa at ang ex na kinaaliwan ng marami.

Narito ang ilang sa mga komento:

Hope Sharon and Gabby families will be like yours, para di sila naiilang sa stage and of course KC will be the happiest daughter.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilib talaga ako Kay Ara napaka civil nya at pinakilala pa
Mabait talaga si Mina...hindi pinagdadamot anak nya sa ex nya

Si Ara Mina o Hazel Pascual Reyes-Almarinez sa totoong buhay ay isang aktres at kilalang negosyante sa bansa. Nabiyayaan siya ng anak at noong 2021, ikinasal siya sa businessman na si Dave Almarinez. Binansagan siya bilang "Millennium Goddess" at ginawaran ng FAMAS Award for Best Actress.

Read also

Rita Gaviola, engaged na sa kanyang non-showbiz partner

Naibahagi ni Ara Mina na ayaw sana niyang pag-usapan ang pagtulong na ginagawa niya kay Deborah Sun na pitong taon nang naninirahan sa kanyang condo. Aniya, nabili niya ang naturang condo noong nasa That's Entertainment pa lang siya at una daw niyang investment iyon. Maliit lang daw ang condo at good for one person lang daw ang studio unit na iyon. Dagdag pa ni Ara, okay lang na doon si Deborah kahit habangbuhay pa raw siya doon tumira.

Muling nagkita sina Ara at Deborah matapos ang ilang taon na hindi sila nagkikita nang personal. Kahit hindi sila nagkikita ay sinabi ni Deborah na tuloy-tuloy ang pagtulong nito bukod pa sa pagpapatira ni Ara sa kanila sa condo niya. Abot-abot ang pasasalamat ni Deborah at naiyak pa ito habang binabanggit ang kanyang mensahe. Ayon kay Ara, hindi niya pa ito nabibisita sa condo nito simula nang pinatira niya ang mga ito sa kanilang bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel