Rita Gaviola, engaged na sa kanyang non-showbiz partner

Rita Gaviola, engaged na sa kanyang non-showbiz partner

- Nag-post si Rita Gaviola ng picture kung saan makikitang nakaluhod ang kanyang partner na may hawak na lalagyan ng singsing

- Walang ibang nabanggit si Rita sa caption kundi 'This is it' kalakip ng singsing na emoji

- Sa comments section naman ay nilagay niya na sa June 3, 2025 magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib

- Inulan ng pagbati sina Rita at ang kanyang boyfriend na ama din ng kanyang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Engaged na si Rita Gaviola sa kanyang non-showbiz boyfriend. Ibinahagi ni Rita ang picture kalakip ng caption na 'This is it' at singsing na emoji.

Rita Gaviola, engaged na sa kanyang non-showbiz partner
Rita Gaviola, engaged na sa kanyang non-showbiz partner
Source: Facebook

Sa kanyang binahaging picture ay makikitang nakaluhod ang boyfriend niya at may hawak na box kung saan nakalagay ang singsing.

Base sa kanyang komento, sa June 3, 2025 magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib.

Read also

Kiko Pangilinan, ibinida ang picture nila ni Sharon Cuneta

Nagpasalamat din si Rita sa lahat ng mga pagbati sa kanila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang ilan sa mga komento:

CONGRATS Rita Gaviola - aka Badjao Girl Soo happy for you
Congratulations both of you. Proud to hear that. Its ok that you have time to wait the right time to walk down the aisle.
Wow aabangan namin yan hahwag mo kami pa asahin excited na kami

Si Rita Gaviola ay unang nakilala sa bansag na "The Badjao Girl of Lucena" nang sumali siya sa Pinoy Big Brother 7 - Part 2: Teen Edition. Isa siyang katutubong Badjao na sumikat matapos makuhanan ng litrato ng isang photographer habang nasa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Agad siyang nakilala sa social media dahil sa angkin nitong kagandahan.

Si Rita ang nagwagi sa beauty contest sa isang episode nito sa "It's Showtime". Aniya, sumali siya sa patimpalak ng noontime show upang ipakita umano ang kakayahan ng isang katutubong Pilipino. Hindi rin niya ikinailang gusto niyang sumali sa iba pang pageant kagaya na lamang sa Miss Universe. Bukod sa kanyang pagsali sa 'Pinoy Big Brother Teen Edition', unang nakilala si Rita nang mag-viral ang kanyang picture sa social media.

Read also

KC Concepcion, tinawag na 'fairytale come true' ang makasama niya ang mga magulang

Naging emosyonal si Rita na kilala bilang si Badjao Girl habang siya ay nasa live selling. Ito ay matapos siyang maliitin at insultuhin ng ilang bashers habang nagtitinda siya sa kanyang TikTok shop. Sinabihan siya ng bashers na bumalik na lang siya sa kalye at mamalimos kagaya sa dati niyang ginagawa. Ani Rita, proud siya kahit namalipos siya noon dahil sa nalampasan niyang hirap sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel