Kiko Pangilinan, ibinida ang picture nila ni Sharon Cuneta

Kiko Pangilinan, ibinida ang picture nila ni Sharon Cuneta

- Ibinida ni dating senador Kiko Pangilinan ang picture nila ng kanyang asawang si Sharon Cuneta

- Nakalagay sa caption ng kanyang post ang mga salitang "Kapag natapos na ang oras sa trabaho"

- Matatandaang kakatapos lang ng reunion concert nina Sharon at ng dati nitong asawa na si Gabby Concepcion

- Naging matagumpay ang concert na dinaluhan ng ilan sa kanilang kaibigan sa showbiz at tagahanga ng tambalang ShaGab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni dating senador na si Kiko Pangilinan ang sweet na picture nila ng asawang si Sharon Cuneta. Ito ay matapos ang matagumpay na reunion concert nina Sharon at ng ex niyang si Gabby Concepcion.

Kiko Pangilinan, ibinida ang picture nila ni Sharon Cuneta
Kiko Pangilinan, ibinida ang picture nila ni Sharon Cuneta
Source: Instagram

Nakalagay sa caption ng kanyang post ang mga salitang "Kapag natapos na ang oras sa trabaho." Marami naman sa mga followers ng dating senador ang natuwa at humga sa kanya dahil sa pagiging bukas nito na payagan ang asawa sa reunion concert.

Read also

Sharon to KC: "Sorry, we couldn't give you that complete family"

Narito ang ilang mga komento:

Dito ako totoong KINIKILIG...this is REALITY! not a fantasy! Thank you SenKiko for being so understanding. Mahal ko po kau pareho ni Shawie!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Thank you for allowing her to do her job, Sen Kiko
Wala na talaga akong masabi, the most understanding husband in the world. Thank you for understanding and allowing MEGASTAR to do her job and passion for singing. Andami ko ng nabasang negavibes against you lalo na about this concert but you kept it cool and gentleman as always. Salute Sen Kiko.

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Read also

KC Concepcion, tinawag na 'fairytale come true' ang makasama niya ang mga magulang

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel