Sharon to KC: "Sorry, we couldn't give you that complete family"

Sharon to KC: "Sorry, we couldn't give you that complete family"

- Bumuhos ang emosyon sa Dear Heart concert na ginanap sa SM Moa Arena noong Oktubre 27

- Lalo na nang magkasama muli sa unang pagkakaton sina Sharon Cuneta, Gabby Concepcion at KC Concepcion sa iisang entablado

- Naging madamdamin din ang mensahe ni Sharon kay KC lalo na nang mag-sorry ito na hindi na kumpleto ang kanilang pamilya

- Siniguro naman ng Megastar na hindi man sila magkakasama nang tatlo, may dalawang pamilya si KC na labis siyang mahal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis na naantig ang puso ng mga nakapanood ng Dear Heart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong Oktubre 27 sa SM Mall of Asia arena.

Sharon to KC: "Sorry, we couldn't give you that complete family"
Sharon Cuneta, KC and Gabby Concepcion (@kristinaconcepcion)
Source: Facebook

Lalo na sa tagpo kung saan nagkasama sa iisang entablado sina KC Concepcion at kanyang mga magulang.

Read also

Sharon Cuneta, emosyonal na kinanta ang 'Ikaw' para sa anak na si KC

Emosyonal na nasambit ni Sharon ang "The first child to come and make me feel like a mother was this not-so-little girl beside me. She made my life complete."

Hindi na nitong napigilang maluha nang sabihing, "And if there's anything that I regret... "Sorry, we couldn't give you that complete family. But you have two families that love you."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"But Papa and I we never stopped loving you. You were never the problem," paninigurado ni Sharon kay KC.

Matapos ang mensaheng ito, nag-duet ang mag-ina sa awiting "Ikaw."

Narito ang kabuuan ng tagpong ito na kuha ng Christine Babao's Channel sa YouTube:

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.

Read also

KC Concepcion, tinawag na 'fairytale come true' ang makasama niya ang mga magulang

Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng puso ng kanyang panganay na anak na si KC.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, nabanggit ni Cristy ang kaniya umanong paghanga kay Sharon Cuneta kung paano nito napalaki ng maayos ang anak na si KC na malapit pa rin sa kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel