Sharon Cuneta, emosyonal na kinanta ang 'Ikaw' para sa anak na si KC

Sharon Cuneta, emosyonal na kinanta ang 'Ikaw' para sa anak na si KC

- Emosyonal na kinanta ni Sharon Cuneta ang 'Ikaw' para sa anak na si KC Concepcion

- Mapapansing panay ang luha ni Sharon habang ka-duet ang anak na walang pagsidlan ang kaligayahan

- Kasama rin nila sa entablado ng 'Dear Heart' concert ang ama ni KC na si Gabby Concepcion

- Ginanap ang naturang concert noong Oktubre 27 na pinakahihintay ng Sharon-Gabby fans makalipas ang mahigit tatlong dekada

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Halo-halong emosyon ang bumalot sa Dear Heart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na ginanap noong Oktubre 27 sa SM Mall of Asia Arena.

Sharon Cuneta, emosyonal na kinanta ang 'Ikaw' para sa anak na si KC
Kc Concepcion kasama ang ina na si Sharon Cuneta (@kristinaconcepcion)
Source: Facebook

Isa nga sa mga highlights ng naturang kaganapan ay ang pagsasama sa iisang entablado nina Sharon, Gabby at anak nilang si KC Concepcion.

Naging labis na emosyonal ni Sharon nang kantahin nila ni KC ang awiting Ikaw.

Read also

KC Concepcion, tinawag na 'fairytale come true' ang makasama niya ang mga magulang

"Usually this song is a love song for weddings... for someone you love. Tonight, I will sing it for my eldest daughter. I have four children. I do not have three. I have four," ang nasabi ng nag-iisang Megastar.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"The first child to come and make me feel like a mother was this not-so-little girl beside me. She made my life complete. And if there's anything that I regret...Sorry, we couldn't give you that complete family. But you have two families that love you," ang emosyonal na nasabi ni Sharon bago kantahan si KC.

"But Papa and I we never stopped loving you. You were never the problem," paglilinaw pa ni Sharon sa anak na walang ibang nasabi kundi 'I love you' na agad din namang sinagot ng 'I love you' rin ng kanyang ina.

Read also

Leren Mae Bautista sa social media culture: "You can really lose yourself"

Narito ang bahagi ng naturang kaganapan mula sa Christine Babao's Channel:

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.

Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, nabanggit ni Cristy ang kaniya umanong paghanga kay Sharon Cuneta kung paano nito napalaki ng maayos ang anak na si KC na malapit pa rin sa kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel