Melai Cantiveros: "Hindi pwedeng mag-oppa oppa guys baka maupakan tayo ni Jason guys"

Melai Cantiveros: "Hindi pwedeng mag-oppa oppa guys baka maupakan tayo ni Jason guys"

- Pinasilip ni Melai Cantiveros ang set nila habang may ginagawang trabaho sa South Korea

- Aniya, kaya talaga silang mag-anak pumunta sa South Korea ay para sa kanyang trabaho

- Sa kanyang Instagram stories ay pinakita niya ang kanilang mga crew na aniya ay mga oppa talaga

- Gayunpaman, aniya hindi pwede mag-oppa oppa dahil baka maupakan siya ni Jason

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Melai Cantiveros ang kanilang set sa kanyang shooting sa South Korea. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang aniya'y mga oppa nilang mga crew.

Melai Cantiveros: "Hindi pwedeng mag-oppa oppa guys baka maupakan tayo ni Jason guys"
Melai Cantiveros: "Hindi pwedeng mag-oppa oppa guys baka maupakan tayo ni Jason guys" (mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Kinaaliwan nga ang mga post ni Melai lalo na sa kanyang IG stories kung saan makikita ang kanilang pamamasyal. Kasama niya ang dalawang anak, ang asawang si Jason Francisco at ang kanyang nanay doon.

Mga oppa talaga ang mga staff namin dito guys oh. Pero hindi pwedeng mag-oppa oppa guys baka maupakan tayo ni Jason guys.

Read also

Pamilya ng MelaSon, hiling ng netizens na gawing reality show

Melai Cantiveros: "Hindi pwedeng mag-oppa oppa guys baka maupakan tayo ni Jason guys"
Melai Cantiveros: "Hindi pwedeng mag-oppa oppa guys baka maupakan tayo ni Jason guys" (mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging sa Twitter nga ay usap-usapan si Melai dahil sa kasiyahang dala niya sa mga netizens. Sa katunayan ay kasama siya sa mga top trending topics at marami sa netizens ang humihiling na mabigyan sila ng travel show dahil sa sayang dulot ng Magandang Buhay host kasama ang kanyang pamilya.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at hambambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Vice Ganda sa mga nagli-lip read creators: "Syempre nakaka-offend sa part namin"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate