Pamilya ng MelaSon, hiling ng netizens na gawing reality show

Pamilya ng MelaSon, hiling ng netizens na gawing reality show

- Marami nang netizens ang tila humihirit na gawing reality show ang mga kaganapan sa buhay ng pamilya nina Melai Cantiveros at Jason Francisco

- Ito ay dahil sa marami ang talagang naaaliw sa panonood sa kanilang mga vlog

- Napaka-natural at talaga raw nakakawala ng pagod ang video ng pamilya mula kay Melai hanggang sa kanyang mga anak

- Tulad na lamang ng pinakahuli nilang vlog kung saan namasyal sa South Korea ang kanilang mag-anak gayundin ang ina ni Melai

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Parami na nang parami ang mga netizens na nagsasabing sana'y gawin na umanong isang reality show ang mga kaganapan sa pamilya nina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Pamilya ng MelaSon, hiling ng netizens na gawing reality show
Jayson Francisco at Melai Francisco kasama ang kanilang mga anak na sina Stela at Mela (Melai Cantiveros- Francisco)
Source: Facebook

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nabanggit ni Ogie ang 'clamor' na nagsasabing sana'y gawing isang ganap na reality show ang mga nakakatuwa at good vibes video ng mag-anak.

Read also

Vice Ganda sa mga nagli-lip read creators: "Syempre nakaka-offend sa part namin"

"Aba, may clamor. Ibig sabihin, due to insiting public demand e gusto ng mga tao, ng mga netizens na sana raw e gawing reality show yung mga kaganapan sa buhay ng Francisco family," ani Ogie

"Karamihan nawawala ang pagod, natutuwa sila. Nawawala 'yung anxiety nila Kapag pinanonood 'yung mga video na isini-share ni Melai," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang marami na ring naging viral videos sina Melai at kanyang mga anak tulad na lamang ng 'I love chicken nuggets' na tumatak sa marami.

Sinasabing marami ang naaaliw kina Melai sa pagiging natural ng mga ito at sa kabila ng kulitan, makikita pa rin ang kabutihang asal na naituro nila sa kanilang mga anak.

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jayson Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Read also

Melai Cantiveros: "Hindi pwedeng mag-oppa oppa guys baka maupakan tayo ni Jason guys"

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jayson. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan labis na nakapagpapasaya sa mga manonood.

Tila mayroon din itong show na kinunan sa Korea base na rin sa mga ibinabahagi niyang update sa pag-stay doon. Katunayan, mabilis na nag-viral ang post na umano'y kuha sa kanilang shoot na tila nagtataka ang mga kasamang Koreano kung bakit siya ang artista nila para sa proyekto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel