Kim Chiu, sinubukan maging 'Pahinante for a Day' sa kanyang vlog

Kim Chiu, sinubukan maging 'Pahinante for a Day' sa kanyang vlog

- Sinubukan ni Kim Chiu ang maging pahinante sa isang araw sa kanyang bagong vlog

- Sumama siya sa biyahe ng isang truck na nag-ooffer ng delivery services

- Hindi man niya personal na nabuhat ang lahat ng mga bagay na kanilang dineliver, tumulong siya sa pagbubuhat

- Nagbigay pugay din si Kim sa mga driver ng delivery trucks at sa mga pahinante dahil aniya ay mahirap pala ang kanilang trabaho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinubukan ni Kim Chiu na maging pahinante sa isang delivery truck. Sa kanyang pinakabagong vlog ay binigyan-pugay ni Kim ang mga driver ng delivery trucks at sa mga pahinante dahil aniya ay mahirap pala ang kanilang trabaho.

Kim Chiu, sinubukan maging 'Pahinante for a Day' sa kanyang vlog
Kim Chiu, sinubukan maging 'Pahinante for a Day' sa kanyang vlog (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Tumulong si Kim sa pagbubuhat ng mga bagay na pinadeliver sa kanila para masubukan niya kung paano ang maging isang pahinante.

Read also

Xyriel Manabat, umalma sa nanghuhusga sa kanyang boyfriend

Pinasalamatan naman ni Kim ang driver ng delivery truck sa pamamagitan ng pagbigay ng mga grocery items.

Sa huling bahagi ng kanyang vlog ay pinasilip ni Kim ang kanyang negosyo na House of Little Bunny.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kim Chiu, sinubukan maging 'Pahinante for a Day' sa kanyang vlog
Kim Chiu, sinubukan maging 'Pahinante for a Day' sa kanyang vlog (Kim Chiu/YouTube)
Source: Youtube

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."Matatandaang nitong nakaraang mga araw ay hindi nakapasok si Kim sa "It's Showtime".

Read also

Awra Briguela, kabilang sa nasangkot sa rambulan sa Poblacion

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel