Kris Aquino sa pagbabalik ng mga anak sa piling niya: "Muling nabuo kaming tatlo"

Kris Aquino sa pagbabalik ng mga anak sa piling niya: "Muling nabuo kaming tatlo"

- Masayang ibinahagi ni Kris Aquino ang pagbabalik Amerika ng kanyang mga anak na sina Josh and Bimby

- Hiling niya umano nito gayung kailangan niya ng support group sa isinasagawa pa rin sa kanyang gamutan

- Nagulat siya na maging si Josh ay sumama sa kanyang kapatid kahit pa ang 'happy place' nito ay sa Tarlac

- Nabanggit din ni Kris ang chemotherapy session na kanyang pinagdaraanan kaya't saludo umano siya sa mga taong sumasailalim din nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nagbigay ng update si Kris Aquino patungkol sa gamutang patuloy na isinasagawa sa kanya.

Kris Aquino sa pagbabalik ng mga anak sa piling niya: "Muling nabuo kaming tatlo"
Joshua and Bimby (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na dahil dito, hiniling niya ang mga anak na nasa Pilipinas na bumalik sa piling niya sa Amerika.

Una niyang kinausap ang anak na si Bimby at hindi niya inaasahang maging si Josh ay sumama rin para mabisita at makasama siya.

Read also

Gerald, sa kung kailan magpo-propose kay Julia: "Sa five-year plan, siyempre kasama 'yan diyan"

"Since naka FaceTime, i asked kuya kung gusto nyang sumama to visit mama in LA? Nagulat ako when he said “yes, mama- sama ako with bimby sa LA.” i told Kuya to think about it. Nag FaceTime kami the next morning and i asked- what’s your decision, kuya? He said: mama, i’ll visit you in LA. I asked him SURE KA NA BA? Siguro tumatak na kay kuya, ang sagot nya: SURE NA"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I wanted for Bimb to experience normal teenage life & kuya’s happy place is Alto, our family compound in Tarlac… pero mahirap mag chemotherapy medicàtion as part of my immunosuppressant therapy without the support system of family."

Ipinaliwanag din ni Kris ang gamutang isinasagawa sa kanya kasama ang kanyang chemotherapy sessions.

"I’m allergic to all NSAIDS, pain relievers, pain killers, and i have an adverse reaction to all steroids. Aamin ako w/ methotrexate + Fasenra (my biological injectable, tapos na ko sa 1st cycle) ang feeling ko 3-4 days of extreme fatigue, chills, headaches, and everything has a metallic taste. Bedridden ako at halos ‘di makagalaw- sa lahat ng dumaan sa matinding chemotherapy- saludo ako sa tatag ninyo"

Read also

Gerald Anderson, sinabing magaan karelasyon si Julia Barretto

Narito ang kabuuan ng kanyang update mula sa kanyang Instagram post:

Si Kris Aquino ay nakilala bilang isang aktres at TV host sa bansa bukod sa pagiging anak ng namayapang pangulong Corazon Aquino at kapatid namang ng isa ring naging pangulo ng bansa na si Ninoy Aquino.

Matatandaang sa isang episode ng YouTube channel na Showbiz Now na! masayang ibinalita ni Cristy Fermin ang tungkol sa pagsadya ni Kris Aquino kay Dr. Suhir Gupta na isa umanong kilalang doktor gayung mga sikat at prominenteng tao sa buong mundo ang kumukunsulta sa kanya.

Ito ay dahil subok na umano ang husay at galing nito na siyang inaasahang makakatulong sa tuluyang paggaling ni Kris Aquino. Sa ngayon, nasa Amerika pa rin ang tinaguriang 'Queen of all media' at dahil sa pagtuklas umano ng sakit nito dahil kay Dr. Gupta, umaasa umano ang marami na makababalik ito sa bansa ngayong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica