Kris Aquino, patuloy ang pagbuti ng lagay base sa bagong post ni Mark Leviste

Kris Aquino, patuloy ang pagbuti ng lagay base sa bagong post ni Mark Leviste

- Makikitang patuloy na ang pagbuti ng lagay ni Kris Aquino base sa Instagram story ng kaibigang si Mark Leviste

- Kasama ni Kris ang mga anak na si Bimby at kapansin-pansin ang mas magandang pangangatawan na nito

- Nakakalabas at nakakapag-shopping na rin ito hindi tulad dati na madalas lang itong nasa ospital

- Matatandaang naibahagi ni Cristy Fermin na mag-amang Indian doctors na maituturing na pinakamahuhusay sa buong mundo ang tumitingin ngayon kay Kris Aquino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila patuloy na talaga ang pagbuti ng kalusugan ni Kris Aquino na makikita sa Instagram story na naibahagi ng kaibigan niyang si Mark Leviste.

Kris Aquino, patuloy ang pagbuti ng lagay base sa bagong post ni Mark Leviste
Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang naturang post ay naibahagi ng Vice Governor ng Batangas nito lamang Abril 8.

Read also

Marco Sison sa pagpanaw ng apo na sana'y GMA artist na: "hanggang dun lang"

Makikita si Kris na nakakapamasyal na kasama ang anak na si Bimby at tila nakakapag-shopping na rin.

Dahil dito, marami ang natuwa at humiling na sana'y patuloy na ang paggaling ng tinaguriang Queen of all media.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kris must be recovering fast. Good for her"
"She looks more better now sana tuloy tuloy na paggaling niya"
"So happy for you po Miss Kris. Sana tuloy tuloy na ang paggaling mo at makabalik ka na sa Pilipinas"
"Marami ang nagdarasal for you Kris kaya naman mas bumibilis ang recovery mo"

Narito ang larawang kuha ni Vice Governor Mark Leviste na naibahagi rin ng The Scoop:

Si Kris Aquino ay nakilala bilang isang aktres at TV host sa bansa bukod sa pagiging anak ng namayapang pangulong Corazon Aquino at kapatid namang ng isa ring naging pangulo ng bansa na si Ninoy Aquino.

Read also

Gladys Reyes, kumasa sa Fast Talk ni Boy Abunda habang naghu-hula hoop

Matatandaang sa isang episode ng YouTube channel na Showbiz Now na! masayang ibinalita ni Cristy Fermin ang tungkol sa pagsadya ni Kris Aquino kay Dr. Suhir Gupta na isa umanong kilalang doktor gayung mga sikat at prominenteng tao sa buong mundo ang kumukunsulta sa kanya.

Ito ay dahil subok na umano ang husay at galing nito na siyang inaasahang makakatulong sa tuluyang paggaling ni Kris Aquino. Sa ngayon, nasa Amerika pa rin ang tinaguriang 'Queen of all media' at dahil sa pagtuklas umano ng sakit nito dahil kay Dr. Gupta, umaasa umano ang marami na makababalik ito sa bansa ngayong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel