Rendon Labador kay Buboy Villar: "Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?"

Rendon Labador kay Buboy Villar: "Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?"

- Naibahagi ni Buboy Villar ang video kaugnay sa kanyang bagong investment

- Ito ay ang kanyang bagong sasakyan at kanyang naibahagi ito sa YouTube channel niya

- Ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook page kung saan maging si Rendon Labador ay nagkomento

- Tinanong nito si Buboy kung galing daw ba sa panloloko ng audience ang pinangbili niya ng bagong sasakyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Buboy Villar ang nabili niyang bagong sasakyan sa kanyang mga followers sa YouTube. Ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook page kung saan maging si Rendon Labador ay nagkomento.

Rendon Labador kay Buboy Villar: "Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?"
Rendon Labador kay Buboy Villar: "Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?" (@buboyvillar)
Source: Instagram

Masaya si Buboy sa pangarap niya na natupad. Ani Buboy ay nakaipon siya mula sa trabaho niya kahit noon pa.

Dagdag pa niya, magagamit niya ito sa trabaho at kasya sila ng kanyang pamilya.

Read also

Toni Fowler, sinabing si Rendon Labador ang pinakaplastic na influencer para sa kanya

Sa Facebook post ni Buboy, nagkomento si Rendon na nakuha pa ni Buboy na i-flex ang bagong sasakyan niya gayong aniya ay kwestiyonable ang pagpili nila ng mga kalahok sa show nila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Paano mo natitiis ang mag flex ng bagong sasakyan habang questionable ang pagpili ninyo sa contestant ng show ninyo? Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?
Rendon Labador kay Buboy Villar: "Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?"
Rendon Labador kay Buboy Villar: "Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?"
Source: Facebook

Hindi naman na sumagot si Buboy sa komentong ito ni Rendon sa kanyang post sa sarili niyang Facebook page.

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag-audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Toni Fowler, nahilig daw sa pagpaparetoke dahil naapektuhan sa komento ng ex

Sinorpresa ni Buboy ang kanyang mama nitong Mother's Day. Bukod sa kanilang pagkain sa labas, pinag-grocery siya ni Buboy at binigyan ng pera. Lingid sa kaalaman niya ay bibiruin pala siya ni Buboy at nagkunwaring hindi totoo ang lahat ng kanyang binigay - Kinaaliwan ng marami ang pagiging kwela ng nanay ni Buboy na kagaya niya ay masayahin din.

Nilinaw ni Buboy na hindi totoong nagpaalam na daw siya bilang host ng 'Eat Bulaga'. Sa opening ng 'Eat Bulaga' nitong Miyerkules ay hindi kasama si Buboy sa mga host na unang lumabas. Gayunpaman, kinalaunan ay lumabas ito at sinabing fake news ang balitang nag-resign siya. Matatandaang isa si Buboy sa mga hosts na unang pinakilala noong June 5 matapos ang pagkalas ng original hosts at TVJ noong May 31, 2023.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel