Buboy Villar, pinabulaanan ang balitang nag-resign siya bilang Eat Bulaga host

Buboy Villar, pinabulaanan ang balitang nag-resign siya bilang Eat Bulaga host

- Nilinaw ni Buboy Villar na hindi totoong nagpaalam na daw siya bilang host ng 'Eat Bulaga'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa opening ng 'Eat Bulaga' nitong Miyerkules ay hindi kasama si Buboy sa mga host na unang lumabas

- Gayunpaman, kinalaunan ay lumabas ito at sinabing fake news ang balitang nag-resign siya

- Matatandaang isa si Buboy sa mga hosts na unang pinakilala noong June 5 matapos ang pagkalas ng original hosts at TVJ noong May 31, 2023

Pinabulaanan ni Buboy Villar ang lumabas na balitang nag-resign na daw siya bilang Eat Bulaga host. Nitong Miyerkules ay sinabi ni Buboy na tuloy ang pagpapasaya nila at hindi dapat maniwala sa fake news.

Buboy Villar, pinabulaanan ang balitang nag-resign siya bilng Eat Bulaga host
Buboy Villar, pinabulaanan ang balitang nag-resign siya bilng Eat Bulaga host (@buboyvillar)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Cristy kay si Ryzza Mae: "Ang ganda po ng kanyang prinsipyo tapos ganyan, mamaliitin"

Nitong Miyerkules nga ay hindi kasama si Buboy sa mga host na unang lumabas sa opening ng noontime show. Kinalaunan ay lumabas siya at nagbiro kung bakit nahuli siyang lumabas.

“Sorry, Dabarkads, ha. Sumakit lang yung panubigan ko. Sorry, pantog pala.”

Aniya ay fake news ang lumabas na balita at tuloy pa rin daw sila sa paghahatid ng saya.

“Ayan ang mahirap kasi sa 'yo, Paolo, masyado kang naniniwala sa fake news. Tuloy ang pagpapasaya natin!”

Matatandaang isa si Buboy sa mga hosts na unang pinakilala noong June 5 matapos ang pagkalas ng original hosts at TVJ noong May 31, 2023.

Maging sa programa ni Boy Abunda ay nilinaw din ito ni Buboy. May mga pagkakataon lang daw na hindi siya makakapag-host dahil sa kanyang mga commitments.

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag-audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Joey De Leon: "Kahit ano pang pangalan niyan, sana'y tangkilikin niyo pa rin kami"

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel