Toni Fowler, sinabing si Rendon Labador ang pinakaplastic na influencer para sa kanya

Toni Fowler, sinabing si Rendon Labador ang pinakaplastic na influencer para sa kanya

- Ayon kay Toni Fowler, maituturing niyang pinakaplastic na influencer ay si Rendon Labador

- Aniya, ito ay sa kadahilanang nakilala niya sa personal si Rendon dahil ninang siya ng anak nito

- Hindi daw niya nakilala si Rendon ng ganoon at aniya ay iyon lang ang kanyang pinapakita para sumikat at magkapera

- Dagdag pa ni Toni, masyado lang itong nilamon ng sistema at naniniwala siyang hindi talaga ganun si Rendon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Toni Fowler, si Rendon Labador daw ang para sa kanya ay pinaka-plastic na influencer. Sa kanyang guesting sa Iskovery Nights, sinabi niyang hindi daw niya nakilala si Rendon ng ganoon at aniya ay iyon lang ang kanyang pinapakita para sumikat at magkapera.

Toni Fowler, sinabing si Rendon Labador ang pinakaplastic na influencer para sa kanya
Toni Fowler, sinabing si Rendon Labador ang pinakaplastic na influencer para sa kanya (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ani Toni, iba ang pagkakakilala niya kay Rendon kaya aniya ay plastic para sa kanya si Rendon.

Read also

Toni Fowler: "Sustento muna bago kita batiin ng Happy Father's Day"

Para sa akin, hindi ikaw yan. Yung pinapakita mong pangit na ikaw. Plastic ka, pinapakita mo yun para lang kumita ka.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel