Toni Fowler, nahilig daw sa pagpaparetoke dahil naapektuhan sa komento ng ex

Toni Fowler, nahilig daw sa pagpaparetoke dahil naapektuhan sa komento ng ex

- Ayon kay Toni Fowler, nag-umpisa siyang makaramdam ng insecurity matapos niyang makarinig ng komento mula sa kanyang ex

- Kwento niya, kapapanganak pa lamang niya nang may komento umano ito na kapintasan sa kanyang katawan

- Dahil doon ay nagsimula na daw siyang manood ng mga videos sa YouTube tungkol sa pagpaparetoke

- Hindi na daw siya naapektuhan sa sinasabi ng iba sa kasalukuyan at ang mahalaga para sa kanya ay maging masaya siya sa nakikita niya sa kanyang sarili

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Toni Fowler ang guest ni Isko Moreno sa kanyang pinakabagong episode ng Iskovery Night. Ayon kay Toni, nag-umpisa siyang makaramdam ng insecurity matapos niyang makarinig ng komento mula sa kanyang ex.

Toni Fowler, nahilig sa pagpaparetoke dahil naapektuhan sa komento ng ex
Toni Fowler, nahilig sa pagpaparetoke dahil naapektuhan sa komento ng ex (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Kakapanganak pa lang daw niya noon nang sabihan siya ng kanyang ex ng kapintasan sa katawan niya dahil sa kanyang panganganak. Dahil doon ay nagsimula na daw siyang manood ng mga videos sa YouTube tungkol sa pagpaparetoke.

Read also

Xyriel Manabat, iniyakan umano ang pagiging 'unfair' ng mga tao sa pagtanggap sa kanya

Aniya, sa kasalukuyan ay hindi naman na siya nagpapaapekto sa mga negatibong komento sa kanyang pagpaparetoke. Aniya, ang mahalaga para sa kanya ay maging masaya siya sa nakikita niya sa kanyang sarili.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel