Xyriel Manabat, iniyakan umano ang pagiging 'unfair' ng mga tao sa pagtanggap sa kanya

Xyriel Manabat, iniyakan umano ang pagiging 'unfair' ng mga tao sa pagtanggap sa kanya

- Aminado si Xyriel Manabat na minsan na niyang iniyakan ang mga komento tungkol sa kanyang pangangatawan

- Aniya, ayaw niya umanong napapatahimik siya gayung wala naman umano siyang ginagawang masama

- Ayon pa kay Xyriel, wala naman umanong problema kung may humahanga o nakakapansin sa kanyang hinaharap

- Ang ayaw lang niya'y maihahambing pa siya sa iba lalo na sa mga kasing edad niyang babaeng artista gayung magkakaiba naman sila ng body type

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi raw umano iniyakan ni Xyriel Manabat ang kanyang height at maging ang kanyang hinaharap. Subalit ang hindi niya mapalampas ay ang mga komento ng taong labis na mapanghusga.

Xyriel Manabat, aminadong iniyakan ang mga komento ukol sa kanyang pangangatawan
Xyriel Manabat (Ogie Diaz Youtube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa natalakay sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito kung saan naging panauhin si Xyriel.

Read also

Xyriel Manabat, mas pipiliin umanong maging flat-chested: "Struggle po siya"

Ayon kay Xyriel, tila unfair umano na siya'y nahuhusgahan dahil sa kanyang pangangatawan.

"'Yung height hindi naman ho. 'Yung dibdib ko hindi naman po pero yung pagiging infair ng tao sa pagtanggap sa akin just because of my body type. Ayoko ho kasi nang pinapatahimik ako 'pag alam kong tama ako, eh"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ayoko ho kasi nang pinatatahimik ako 'pag alam kong tama ako eh. Ayoko po na hindi ko napaglalaban sarili ko 'pag alam ko pong ako yung hindi mali."

Wala rin umanong problema sa kanya kung may hahanga o may makakapansin sa kanya. Ngunit hindi umano tamang ihambing siya sa iba.

"Okay lang po na hangaan nila, okay lang po na ma-notice nila pwero 'wag nilang bibigyan ng double standard na parang 'dapat ito lang ako, kasi sila ganito lang'."

Read also

Joey De Leon: "Kung saka-sakali, kami ang kauna-unahang show na kalaban din ang show namin"

"Pareho kami ng damit ng isang artista or isang celebrity na ka-age ko or younger sa'kin. Pero dahil iba 'yung body type niya, fashionable siya. Stylish, elegant. Pero 'pag sa'kin, ano ba 'yan nag-a-ask ng attention. Ano ba yan niluluwa pa. Grabe po silang mag-double standard sa bagay na hindi ko naman po kontrolado."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Si Xyriel Manabat ay isa sa mga produkto ng Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol kung saan nakamit niya ang ikatlong pwesto noong 2009.

Ngunit, mas nakilala ang batang aktres sa pagganap niya bilang si Momay sa 100 Days to Heaven kasama si Connie Reyes.

Pansamantala itong namahinga sa showbiz kung saan tinutukan naman niya ang kanyang pag-aaral. Naging kontrobersyal man dahil sa kanyang mga larawang naibahagi sa social media, marami pa rin ang natuwa dahil nakita nila muli ang dating child star.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing ang kanyang Ate Kayla ang kanyang lucky charm

Sa ngayon, umaani pa rin ng papuri ang kanyang pag-arte sa seryeng Dirty Linen kung saan kasama niya sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel