Xyriel Manabat, mas pipiliin umanong maging flat-chested: "Struggle po siya"

Xyriel Manabat, mas pipiliin umanong maging flat-chested: "Struggle po siya"

- Inamin ni Xyriel Manabat na kung siya ay papipiliin, mas gusto niya umano ang maging flat-chested

- Ito ay dahil umano sa mga hirap na dinaranas din niya dahil sa kanyang hinaharap

- Aniya, totoo ang mga back pains at aminadong nakakakuba umano ito

- Gayunpaman, hindi niya raw ito inaayawan o ikinahihiya, sadyang nakararamdam lamang siya umano ng hirap sa kanyang kalagayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Xyriel Manabat, tila mas pipiliin niya umanong maging flat-chested kumpara sa kung ano ang mayroon siya ngayon.

Xyriel Manabat, mas pipiliin umanong maging flat-chested: "Struggle po siya"
Photo: Xyriel Manabat
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa natanong sa kanya ni Ogie Diaz sa bagong episode nito sa kanyan YouTube channel.

Naikwento kasi ni Xyriel ang hirap na dinaranas niya sa kanyang hinaharap.

"Sa totoong buhay po, ang sakit po sa likod. Totoo po 'yung back pains tapos nakukuba ka po talaga. Tapos ang hirap po humanap ng matinong posisyon," ani Xyriel.

Read also

Xyriel Manabat, iniyakan umano ang pagiging 'unfair' ng mga tao sa pagtanggap sa kanya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Mahirap po talaga and naiintindihan ko naman po 'yung iba na dream nila ito kasi ako personally sobrang attracted ko po sa mga babaeng flat chested. Kasi ang ganda nilang damitan. Kahit malake, masikip, 'pag sinuot well, ang ganda ewan ko po parang 'yun yung perspective ko po," dagdag pa niya at kung papipiliin, sana'y ganoon din umano ang sa kanya.

"Flat chested... Hindi po dahil sa atensyon or sa pagiging séxy ibabase ah. 'Yung practicality for wardrobe malfunction, body pains, struggle po siya e. 'Di ko naman kinakahiya inaayawan"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Xyriel Manabat ay isa sa mga produkto ng Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol kung saan nakamit niya ang ikatlong pwesto noong 2009.

Read also

La Oropesa, natanong kung miyembro siya ng LGBT; aminadong nagagandahan kay Gina Alajar

Ngunit, mas nakilala ang batang aktres sa pagganap niya bilang si Momay sa 100 Days to Heaven kasama si Connie Reyes.

Pansamantala itong namahinga sa showbiz kung saan tinutukan naman niya ang kanyang pag-aaral.Naging kontrobersyal man dahil sa kanyang mga larawang naibahagi sa social media, marami pa rin ang natuwa dahil nakita nila muli ang dating child star.

Sa ngayon, umaani pa rin ng papuri ang kanyang pag-arte sa seryeng Dirty Linen kung saan kasama niya sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel