La Oropesa, natanong kung miyembro siya ng LGBT; aminadong nagagandahan kay Gina Alajar

La Oropesa, natanong kung miyembro siya ng LGBT; aminadong nagagandahan kay Gina Alajar

- Natanong ni Morly Alinio si Elizabeth Oropesa kung isa ba umano itong miyembro ng LGBT

- Aniya, nagagandahan siya sa mga babae tulad nina Gina Alajar at Marian Rivera

- Maging kay Lorna Tolentino ay aminadong nagagandahan ito subalit, kumare niya raw ito

- Kilalang aktres si Elizabeth na isa rin umanong doktor at animal advocate

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga kontrobersyal na tanong ni Morly Alinio kay Elizabeth Oropesa ay kung totoo ang napapabalitang isa umano itong miyembro ng LGBT.

Elizabeth Oropesa, natanong kung miyembro siya ng LGBT, aminadong nagagandahan kay Gina Alajar
Elizabeth Oropesa (Jacqueline Elizabeth Freeman)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi bago ang katanungan na ito kay Elizabeth base na rin sa kanyang mga kilos at gawi.

"Sabi nila it was because of my masculinity. Ganun ang persona ko e. Extreme ako e. I'm very soft, pero 'yung other half ko very masculine, sa pananamit ever since at saka gusto ko ng mga magagandang babae, bakit ba? Ang tawag dati 'tow' oh ngayon ewan ko kung anong tawag, ang dami ng tawag eh"

Read also

Gabby, ikinuwento ang unang pagtawag sa kanya ni KC: "One day, hahanapin ako nito"

Katunayan, nagagandahan umano siya sa ibang kapwa niya aktres kabilang na si Gina Alajar at Marian Rivera.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Yung latest na sinabihan ko na ang ganda ganda mo, okay ka lang ba, si Gina Alajar."

Maging ang kaibigan niyang si Lorna Tolentino ay kanyang hinahangaan ang kagandahan subalit, "kumare ko 'yun pero kumare ko 'yun hindi ko pwedeng pakialaman."

Narito ang kabuuan ng panayam kay Elizabeth mula sa YouTube channel ni Morly Alinio:

Si Elizabeth Oropesa ay isang aktres at beauty queen sa Pilipinas. Siya ay isang Grand Slam Best Actress winner para sa pelikulang Bulaklak Ng Maynila. Sa ngayon, maraming pinagkakaabalahan si 'La Oropesa' na isa ring doctor. Isa rin umano siyang animal advocate. Katunayan, nasa 17 ang aso na kanyang inaalagaan sa kanyang tahanan at marami rin siyang pinakakaing mga pusa.

Read also

Xyriel Manabat, mas pipiliin umanong maging flat-chested: "Struggle po siya"

Sa kasagsagan ng eleksyon noong 2022, naging kontrobersyal ang kanyang pahayag tungkol sa pagpapaputol umano ng kanyang mga paa kung mapatunayan ng mga nag-aakusa na binabayaran sila umanong mga artista sa pagsuporta nila sa nanalong pangulo na si PBBM.

Sa naturang panayam sa kanya ni Morly Alinio, aminado si Elizabeth na mayroong hinanakit sa mga Marcos na kanya umanong suportado sa loob ng 37 na taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel