Gabby, ikinuwento ang unang pagtawag sa kanya ni KC: "One day, hahanapin ako nito"

Gabby, ikinuwento ang unang pagtawag sa kanya ni KC: "One day, hahanapin ako nito"

- Ikinuwento ni Gabby Concepcion ang muling pag-uusap nila ni KC nang una siya nitong tinawagan

- Ayon kay Gabby, alam niyang isang araw ay tatawag ito sa kanya

- Kaya naman nang dumating umano ang araw na iyon, alam niyang si KC na nga ang kausap niya

- Sa ngayon, hayagang nasasabi na rin ni KC ang tila pagbawi ng kanyang ama sa mga oras na hindi niya ito nakakasama noon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Gabby Concepcion ang una nilang pag-uusap ng anak na si KC Concepcion nang siya'y lakas loob na tawagan nito.

Gabby, ikinuwento ang unang pagtawag sa kanya ni KC: "One day, hahanapin ako nito"
Gabby Concepcion and daughter KC (Gabby Concepcion YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay ang panahon na nasa Amerika pa namamalagi si Gabby.

"The first time you called me, isi-share ko lang 'to kasi this is something that is really meaningful to me."

Read also

La Oropesa, natanong kung miyembro siya ng LGBT; aminadong nagagandahan kay Gina Alajar

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nilalabas ko lahat ng gamit ko sa kotse, e malamig winter na 'nun e. 'Nung nilalagay ko 'yung mga envelope ko sa bubong, then marami pa akong kukunin, biglang nag-ring 'yung telepono. 'Pag sagot ko ng telepono, merong nagsabi ng 'Hi can I speak to Mr. Gabby Concepcion please? And I said, hi! Is this my baby?"

Ayon kay Gabby, alam niyang isang araw ay tatawag sa kanya ang anak. Kaya naman nang nangyari ito, hindi siya nagdalawang-isip na tawagin agad itong 'baby.'

Aminado naman si KC na napa-absent siya nang araw na iyon dahil matapos ang naging unang pag-uusap muli ng kanyang ama, natulala na lamang siya at napaiyak.

Narito ang kabuuan ng talakayan ng mag-ama sa YouTube channel na Gabby Concepcion:

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite and humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Read also

La Oropesa, binawian ng titulo sa Miss Philippines; sinauli ang lahat ng premyo pwera korona

Kamakailan, sa interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma ang kanilang mga ugali.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel