La Oropesa, binawian ng titulo sa Miss Philippines; sinauli ang lahat ng premyo pwera korona

La Oropesa, binawian ng titulo sa Miss Philippines; sinauli ang lahat ng premyo pwera korona

- Naikwento ni Elizabeth Oropesa na nanalo siya sa Miss Philippines sa edad na 15 anyos

- Dahil dito, nabawian siya ng titulo, at isinauli ang lahat ng kanyang naging premyo

- Maliban sa korona na hindi na nila ibinalik at hanggang ngayon ay nasa kanila pa rin

- Bukod sa pagiging isang aktres, isa ring doktor si La Oropesa at aminado na isang supporter ng mga Marcos sa loob ng nasa 37 na taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Elizabeth Oropesa na bago maging isang ganap na aktres, nakoronahan siya bilang Miss Philippines.

La Oropesa, binawian ng titulo sa Miss Philippines; sinauli ang lahat ng premyo pwera korona
Elizabeth Oropesa (Jacqueline Elizabeth Freeman)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa napag-usapan nila sa panayam sa kanya ni Morly Alinio.

Aniya, 15-anyos pa lamang siya noon at ang maaring sumali lamang sa naturang pageant ay ang may edad 18 pataas.

Read also

Gabby, ikinuwento ang unang pagtawag sa kanya ni KC: "One day, hahanapin ako nito"

"Ang bata-bata ko pa, kinse lang ako nun e. Edi pinasok ako doon. Noong araw kasi, 18 above, e ang laki ko, ang tangkag ko 5'8 ako e. 'Pag pasok ko dun, to make the long story short, nanalo ako"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi umano nakawala sa mga marites ang bali-balitang underage siya kaya naman mayroong nagsumbong sa mga organizers.

"E may Marites, chinismis. Binawi yung napanalunan ko," ani Elizabeth.

Subalit, dahil na rin sa pagtutol ng kanyang ina na siyang nag-udyok sa kanya sa naturang pageant, hindi nila isinauli ang korona.

"Yung nanay ko ayaw isauli yung korona. Hindi niya sinoli yung korona, Sinoli na lang namin lahat ng napanaluunan. Asa bahay namin sa Bicol."

Mapapanood ang kabuuan ng panayam kay Elizabeth mula sa YouTube channel ni Morly Alinio.

Si Elizabeth Oropesa ay isang aktres at beauty queen sa Pilipinas. Siya ay isang Grand Slam Best Actress winner para sa pelikulang Bulaklak Ng Maynila. Sa ngayon, maraming pinagkakaabalahan si 'La Oropesa' na isa ring doctor. Isa rin umano siyang animal advocate. Katunayan, nasa 17 ang aso na kanyang inaalagaan sa kanyang tahanan at marami rin siyang pinakakaing mga pusa.

Read also

Xyriel Manabat, mas pipiliin umanong maging flat-chested: "Struggle po siya"

Sa kasagsagan ng eleksyon noong 2022, naging kontrobersyal ang kanyang pahayag tungkol sa pagpapaputol umano ng kanyang mga paa kung mapatunayan ng mga nag-aakusa na binabayaran sila umanong mga artista sa pagsuporta nila sa nanalong pangulo na si PBBM.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel