Elizabeth Oropesa, may hinanakit: "Dahil hindi nabigyan ng pagpapahalaga kahit kaunti"
- Naglabas ng saloobin ang aktres na si Elizabeth Oropesa tungkol sa pagiging isa niyang loyalista 'di umano ng mga Marcos
- Aniya, wala siyang pinanghihinayangan sa kanyang ginagawa para sa naturang pamilya subalit aminadong may hinanakit
- Ni wala man lang siya umanong pirmadong larawan kasama ni Presidente Bongbong Marcos
- Matatandaang si Elizabeth ay isa sa mga artista na hayagang nagbigay suporta kay PBBM sa kanyang kandidatura noong 2022
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naisiwalat ni Elizabeth Oropesa ang kanyang saloobin sa pagiging isa umanong Marcos loyalist sa loob ng 37 na taon.
Nalaman ng KAMI na isa si 'La Oropesa' sa mga Filipino actress na sumuporta sa kandidatura ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. noong 2022. Bago pa man ito, 37 taon na siyang sumusuporta sa mga Marcos.
Subalit matapang na inamin ni Elizabeth na tila may hinanakit umano siya sa naturang pamilya lalo na umano sa kasalukuyang presidente.
"Even before, ilang taon na ba akong nakipaglaban? 37 years na akong nakipaglaban, 'pag sinabi kong loyal ako sa'yo, loyal ako sa'yo"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"'Yung ginagawa ko kasi 'yun hindi naman ako nag-eexpect ng kahit ano. Of coures you're hoping na mapansin ka. Kasi after all matanda na ako. "
"Naipanalo mo na 'yung presidente, hindi lang naman ako, marami kami. Wala nga akong litrato niya na may pirma, maniwala ka"
Nilinaw din niyang wala siyang anumang posisyon sa kasalukuyang administrasyon sa kabila umano ng kanyang nagawa para kay PBBM.
"Masakit siyempre Diyos ko, isipin mo umabot ako sa edad na ito tapos kahit ritrato niya hindi niya mapirmahan, bigyan ako,
"Naisip ko lang, hindi panghihinayang e... hinanakit. Hinanakit, hinanakit siguro. Oo dahil hindi nabigyan ng pagpapahalaga kahit kaunti."
Gayunpaman, hindi naman na siya umano naghahangad na mabigyan pa ng posisyon.
"Too late. I'm fine. Hindi naman ako nagugutom. Kinakapo paminsan-minsan sa dami ng tinutulungan. Siguro ang sasabihin ko tulungan na lang natin itong mga ito..."
"Ayaw ko silang nagkakagulo siyempre. As much as possible sana ma-settle kung whatever it is na meron silang problema ngayon. Kasi ang nadadamay, ang mga Pilipino. Ang buong Pilipinas! Kahit 'yung walang kinalaman nadadamay!"
Mapapanood ang kabuuan ng panayam kay 'La Oropesa' sa YouTube channel ni Morly Alinio.
Si Elizabeth Oropesa ay isang aktres at beauty queen sa Pilipinas. Siya ay isang Grand Slam Best Actress winner para sa pelikulang Bulaklak Ng Maynila. Sa ngayon, maraming pinagkakaabalahan si 'La Oropesa' na isa ring doctor. Isa rin umano siyang animal advocate. Katunayan, nasa 17 ang aso na kanyang inaalagaan sa kanyang tahanan at marami rin siyang pinakakaing mga pusa.
Sa kasagsagan ng eleksyon noong 2022, naging kontrobersyal ang kanyang pahayag tungkol sa pagpapaputol umano ng kanyang mga paa kung mapatunayan ng mga nag-aakusa na binabayaran sila umanong mga artista sa pagsuporta nila sa nanalong pangulo na si PBBM.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh