Ogie Diaz, nag-alala daw kay Elizabeth Oropesa matapos ang pag-amin ni Eric Nicolas

Ogie Diaz, nag-alala daw kay Elizabeth Oropesa matapos ang pag-amin ni Eric Nicolas

- Matapos maglabas ng pahayag si Eric Nicolas kaugnay sa kanyang pagiging bahagi ng kampanya ng UniTeam, maging si Ogie Diaz ay naintindihan umano siya

- Si Ogie ay isa lamang sa pinakamasugid na tagasuporta sa kampanya ni Vice President Leni Robredo na isa sa pinakamahigpit na kakompitensiya ng kampo nina Bongbong Marcos

- Sa kanyang komento, sinabi ni Ogie na nag-aalala siya para sa kapwa nila taga-showbiz na si Elizabeth Oropesa

- Kaugnay ito sa pahayag ni Elizabeth na hindi umano binabayaran ang mga artistang performers sa UniTeam rally

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa si Ogie Diaz sa nagsabing naiintidihan niya si Eric Nicolas kaugnay sa pagiging bahagi niya ng UniTeam rally na trabaho umano para sa komedyante. Gayunpaman, ayon kay Ogie ay nag-aalala siya para kay Elizabeth Oropesa.

Ogie Diaz, nag-alala daw kay Elizabeth Oropesa matapos ang pag-amin ni Eric Nicolas
Eric Nicolas
Source: Facebook

Kaugnay ito sa pahayag ni Elizabeth na hindi umano binabayaran ang mga artistang performers sa UniTeam rally.

Read also

Kapamilya comedian, umaming trabaho ang pangangampanya sa UniTeam

“Ipapuputol ko yung dalawa kong paa. Gagapang na lang ako kung binabayaran kaming mga artista kay BBM.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para naman kay Ogie, nagpapasalamat siya kay Eric dahil sa pagrespeto nito sa paniniwala niya. Ani Ogie, sana ay huwag totohanin ni Elizabeth ang pagpapaputol ng kanyang paa.

It’s ok, eric. I personally understand that. Wa echos. And i love you for being true and honest. Nag-aalala lang ako ke Elizabeth Oropesa. Sana, wag niyang ituloy ang hamon na ipaputol ang kanyang dalawang paa.

Aniya, walang nagbago at mananatili silang magiging magkaibigan.

Anyway, salamat din sa pagrespeto sa amin naman sa aming pagtindig para din sa aming pinaniniwalaan. Magkaibigan pa rin tayo, walang nabago. Labyu!

Sa nalalapit na na halalan ngayong Mayo 2022, mainit na binabantayan ang mga rally para sa pangangampanya ng mga tumatakbong politiko. Kabilang sa mainit na magkatunggali sa pagka-pangulo ay sina Vice President Leni Robredo at dating senador na si Bongbong Marcos. Sila ang dalawang nangunguna pagdating sa dami ng mga tagasuporta.

Kamakailan ay naganap ang isang people's rally sa Pasig na dinaluhan ng mga "Kakampink." Ilan sa mga personalidad na dumalo sa tinaguriang "Pasiglaban" ay sina Donny Pangilinan, Ebe Dancel, Itchyworms, Rivermaya, Ben and Ben, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Janine Gutierrez, Julia Barretto, Angel Locsin at marami pang iba.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate