Claudine, nang sabihin ni Judy Ann na pareho sila noong 'Teleserye Queen': "I will never forget that"

Claudine, nang sabihin ni Judy Ann na pareho sila noong 'Teleserye Queen': "I will never forget that"

- Naikwento ni Claudine Barretto ang tungkol sa espesyal na pagkakaibigan nila ni Judy Ann Santos

- Kabaliktaran ng inaakala ng marami, malapit sa puso niya si Judy Ann

- Lalo na nang sabihin pa ni Juday sa isa nitong mga interview na paresho sila noon ni Claudine na 'Teleserye Queen'

- Hanggang ngayon, tulad ng hangad ng marami na magkasama ang dalawa sa isang proyekto, sa telebisyon man o sa pelikula

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam ni Boy Abunda kay Claudine Barretto sa kanyang programang Fast Talk, isa sa kanilang napag-usapan ay si Judy Ann Santos.

Claudine, nang sabihin ni Judy Ann na pareho sila noong 'Teleserye Queen': "I will never forget that"
Claudine Barretto (Fast Talk with Boy Abunda)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na taliwas sa inaakala ng marami, may espesyal na pagkakaibigan sina Claudine at Judy Ann.

"'You know, people think that we don't get along or we never got along but in truth is that you know even 'nung debut niya right after, I remember that was a Sunday and everything was closed, the after party was in my condominium," pagbabalik-tanaw ni Claudine ng patunay na magkaibigan sila ni Judy Ann.

Read also

MC at Lassy, nasampolan ng sampal ni Maricel Soriano

Matatandaang sila ang minsan namayagpag sa telebisyon pagdating sa mga teleseryeng kanilang ginagawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman iniisip ng iba na sila ay magkatunggali subalit ang katotohanan ay espesyal sila sa isa't isa.

"Ang dami naming pinagdaanan ni Judy Ann it's just that during that time we couldn't, para kaming mag-boyfriend girlfriend ni Judy Ann, bawal kami makita sa labas. Kasi ayaw ni tito Alfie. Kasi daw dapat ala Nora, Vilma."

At ang isa sa hinid malilimutang nagawa ni Judy Ann para kay Claudine ay ang tungkol sa bansag na 'Teleserye Queen"

'I would never forget what Judy Ann did for me, that's why she is who she is. That's why Judy Ann Santos is Judy Ann Santos. You know at my lowest point and when I also transferred from channel 2 to channel 7. And they said parang in one of her interviews they said that she was the teleserye queen. And she said no, Claudine and I share this title."

Read also

Claudine, piniling gumanap bilang siya sina Julia Montes at si Julia Barretto

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Fast Talk with Boy Abunda/ GMA Network YouTube channel:

Si Claudine Margaret Castelo Barretto ay tinaguriang “The Optimum Star” sa husay nito sa pagiging aktres. Katunayan, nagwagi na siya ng tatlong FAMAS kasama na rito ang dalawang Best Actress award. Siya ang bunsong kapatid nina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto.

Kamakailan, ibinahagi ni Claudine ang kanyang 'proud mama' moment gayung isa nang ganap na scholar ang panganay na anak na si Sabina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel