Claudine, piniling gumanap bilang siya sina Julia Montes at si Julia Barretto

Claudine, piniling gumanap bilang siya sina Julia Montes at si Julia Barretto

- Sina Julia Barretto at Julia Montes ang napili ni Claudine Barretto para gumanap bilang siya

- Sila mismo ang napili ni Claudine sakaling magkaroon ng pelikula tungkol ss kanyang buhay

- Isa ito sa mga naitanong ni Boy nang makapanayam siya nito sa programang Fast Talk

- Sa naturang episode din nabanggit ni Claudine na okay sila ng pamangkin na si Julia at proud siya sa tinatamasa nitong tagumpay sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sina Julia Barretto at Julia Montes ang personal na napili ni Claudine Barretto para gumanap bilang siya.

Claudine, si Julia Barretto o Julia Montes ang piniling gaganap bilang siya
Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na natanong si Claudine ni Boy Abunda sakaling magkaroon umano ito ng pelikula tungkol sa kanyang buhay.

Matatandaang minsan na ring napuri ni Claudine ang acting skills ni Julia Montes na noo'y una niyang pinili kaysa sa kanyang pamangkin.

Read also

Claudine Barretto sa pamangkin na si Julia: "We're good"

Subalit ngayon, tatlong taon na ang nakalipas, sinabi rin ni Claudine sa panayam sa kanya ni By Abunda kung gaano siya ka-proud sa pamangkin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I'm very very proud. They grew up with me, I'm proud of whatever she is achieving now," saad ni Claudine patungkol sa pamangkin Julia.

Naikwento rin nito na nito lamang Marso, bago magdiwang ng kaarawan si Julia ay nagkaroon sila ng pagkakataong magkasama at muling nagkita nang sila ay magkasabay na manood ng Zsazsa Zaturnah na pinagbibidahan ni Kim Molina.

"We took picture but didn't bring it out in social media, we don't have to. I don't see the need for it," ani Claudine.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Boy Abunda mula sa programa nitong Fast Talk sa GMA:

Si Claudine Margaret Castelo Barretto o mas kilala sa showbiz bilang Claudine Barretto ay tinaguriang “The Optimum Star” sa husay nito sa pagiging aktres. Katunayan, nagwagi na siya ng tatlong FAMAS kasama na rito ang dalawang Best Actress award. Siya ang bunsong kapatid nina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto. Sa ngayon, may apat na anak si Claudine kabilang na ang kanyang supling sa dating asawang si Raymart Santiago na si Santino.

Read also

Claudine, nang sabihin ni Judy Ann na pareho sila noong 'Teleserye Queen': "I will never forget that"

Sa naturang interview sa kanya ni Boy Abunda, naikwento niya ang hirap ng pagkumbinsi sa kanya sa pelikulang 'Anak' kung saan isa sa kanilang eksena ay masasaktan niya si Vilma Santos.

Naroong dumating na ang mga producer ng pelikula para siya ay kumbinsihin at maging si Vilma Santos na ang kumakusap sa kanya ay nagpaliwanag na aktres si Claudine at kinakailangan nilang gawin ang naturang eksena.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel