Claudine Barretto sa pamangkin na si Julia: "We're good"

Claudine Barretto sa pamangkin na si Julia: "We're good"

- Kinumusta ni Boy Abunda ang relasyon ni Claudine Barretto sa pamangkin na si Julia Barretto

- Ayon kay Claudine, pareho lang silang busy ng kanyang pamangkin subalit minsan silang nagkita sa isang play na kanilang pinanood

- Katunayan, nagkaroon pa sila noon ng pagkakataong mag-picture subalit hindi na niya ito na-post pa sa social media

- Nasabi rin ni Claudine na 'very proud' siya sa tinatamasang tagumpay ng kanyang pamangkin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga natalakay sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan naging panauhin si Claudine Barretto ay ang relsayon nito sa pamangkin na si Julia.

Julia Barretto
Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na busy lamang umano pareho ang dalawang aktres kaya hindi raw sila nagkakaroon ng pagkakataon na magkasama ng mas matagal.

"We're good. She's very busy, I'm very busy I think the last time I saw her was around March before her birthday," pagbabalik-tanaw ni Claudine kung kailan niya huling nakasama si Julia.

Read also

Claudine, aminadong nahirapan sa iconic scene sa Anak: "I cannot possibly hurt Miss Vilma Santos"

Nagkita rin umano sila sa play na ZsaZsa Zaturnah na pinagbidahan ni Kim Molina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"We took picture but didn't bring it out in social media, we don't have to. I don't see the need for it," ani Claudine.

Gayunpaman, super proud daw siya sa pamangkin at sa tinatamasang tagumpay nito sa showbiz.

"I'm very very proud. They grew up with me, I'm proud of whatever she is achieving now"

Nabanggit din ni Claudine na sakaling magkaroon ng proyekto tungkol sa kanyang talambuhay, pinili niya na ang pamangking si Julia o si Julia Montes ang gumanap bilang siya.

Nartio ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Fast Talk with Boy Abunda ng GMA:

Si Claudine Margaret Castelo Barretto ay tinaguriang “The Optimum Star” sa husay nito sa pagiging aktres. Katunayan, nagwagi na siya ng tatlong FAMAS kasama na rito ang dalawang Best Actress award. Siya ang bunsong kapatid nina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto. Sa ngayon, may apat na anak si Claudine kabilang na ang kanyang supling sa dating asawang si Raymart Santiago na si Santino.

Read also

Claudine, nang sabihin ni Judy Ann na pareho sila noong 'Teleserye Queen': "I will never forget that"

Kamakailan, ibinahagi ni Claudine ang kanyang 'proud mama' moment gayung isa nang ganap na scholar ang panganay na anak na si Sabina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel