Claudine, aminadong nahirapan sa iconic scene sa Anak: "I cannot possibly hurt Miss Vilma Santos"

Claudine, aminadong nahirapan sa iconic scene sa Anak: "I cannot possibly hurt Miss Vilma Santos"

- Naikwento ni Claudine Barretto kung paano niya naitawid ang iconic scene nila ni Vilma Santos sa pelikulang 'Anak'

- Aminadong nahirapan siyang makumbinsi agad na gawin ang eksena dahil 'di niya kayang saktan si Vilma Santos

- Naroong dumating na ang mga producers ng pelikula para lang kumbinsihin siyang gawin ang eksena

- Hanggang sa mismong si Vilma Santos na ang kumausap at nagpaliwanag sa kanya ng kahalagahan ng naturang eksena

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa naikwento ni Claudine Barretto sa Fast Talk with Boy Abunda ay ang tungkol sa iconic scene nila ni Vilma Santos sa pelikulang 'Anak'.

Claudine, aminadong nahirapan sa iconic scene sa Anak: "I cannot possibly hurt Miss Vilma Santos"
Claudine Barretto (@claubarretto)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ayaw sanang gawin ni Claudine ang naturang eksena kung saan masasaktan niya ang idolong si Vilma Santos.

"Of course, working with Vilma Santos, you're always nervous, always scared, starstruck, halo-halo na mixed emotions talaga."

Read also

Claudine, piniling gumanap bilang siya sina Julia Montes at si Julia Barretto

"But when they said that I have to hurt the person that I love so much and I look up to talaga, parang I can't I'm a Vilmanian, I cannot, I connot possibly hurt Miss Vilma Santos."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama't nagawa naman niya ang naturang eksena na lalong nagpatunay ng pagiging isang mahusay na aktres, matinding pagkumbinsi ang ginawa sa kanya

"So It took like I don't know how many hours and so much convincing from Direk rory Quintos. Ang tagal, hanggang sa tita Malou (Santos) arrived, our producer for Star Cinema, Inang Olive arrived and they all had to talk to me and say, Claudine we have to do the scene"

"Until ate Vi told me, anak you can do it. Sige lang, just think na we need this you're an actress"

Read also

Claudine Barretto sa pamangkin na si Julia: "We're good"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Claudine Margaret Castelo Barretto ay tinaguriang “The Optimum Star” sa husay nito sa pagiging aktres. Katunayan, nagwagi na siya ng tatlong FAMAS kasama na rito ang dalawang Best Actress award. Siya ang bunsong kapatid nina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto. Sa ngayon, may apat na anak si Claudine kabilang na ang kanyang supling sa dating asawang si Raymart Santiago na si Santino.

Kamakailan, ibinahagi ni Claudine ang kanyang 'proud mama' moment gayung isa nang ganap na scholar ang panganay na anak na si Sabina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel