Claudine Barretto, binahagi ang picture kasama ang anak na si Santino

Claudine Barretto, binahagi ang picture kasama ang anak na si Santino

- Nag-post si Claudine Barretto ng picture kasama ang anak nila ni Raymart Santiago na si Santino

- Hindi niya ito madalas na maibahagi sa mga post niya sa social media dahil ayon sa kanyang mga post ay hindi ito mahilig magpa-picture

- Kaya naman, sa kanyang bagong post ay napapayag umano si Santino na magpapicture kasama ang kanyang mama

- Gayunpaman, nangako daw siyang hindi niya i-po-post ang picture nilang iyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Claudine Barretto sa Instagram ang picture kasama ang anak niyang si Santino. Si Santino ang anak nila ni Raymart Santiago.

Claudine Barretto, binahagi ang picture kasama ang anak na si Santino
Claudine Barretto, binahagi ang picture kasama ang anak na si Santino (@claubarretto)
Source: Instagram

Base sa caption ni Claudine ay napapayag niya si Santino na magpa-picture kasama niya ngunit aniya ay pinangako niyang hindi niya iyon ipo-post.

Hindi malimit makasama sa post ni Claudine ang picture ni Santino kaya naman marami ang natuwa na makita si Santino na malaki na.

Read also

Kris Aquino, pinagdadasal si Miles Ocampo sa gitna ng pinagdadaanan nito

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dati nung maliit pa si saint para syang mestizong RS pero habang lumalaki sya nagiging kamukha na nya si Daddy Miguel nyo Ms Clau para na syang naging male version nyo ang kinis..sana mag.artista din si saint ang pogi bagay na bagay maging celebrity.
Luh cya nba to? Look a like ni momny nya, ampogi
Ang gwapo . Sana mag model siya kung ayaw nyang mag artista

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

Fashion blogger na si Bryan Boy, deadma na sa rice; ibinida ang "Fendi pasta"

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel