Fashion blogger na si Bryan Boy, deadma na sa rice; ibinida ang "Fendi pasta"
- Matapos sumagot ni Rendon labador kamakailan kay Bryan Boy, muling naglabas ng video ang fashion blogger
- Aniya, deadma na sa rice at may bago siyang dala mula sa kanyang business trip sa Rome, Italy
- Ibinida niya sa kanyang mga follwers ang kanyang Fendi pasta na aniya ay mas mahal nang kaunti sa Gucci rice na kanyang pinakita
- Matatandaang nagsimula ang kanilang sagutan sa kontrobersiyal na "motivational rice ni Rendon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nag-post ang fashion blogger na si Bryan Boy ng bagong video kasunod ng patutsada ni Rendon Labador laban sa kanyang nilabas na Gucci rice kamakailan. Aniya, deadma na sa rice at may bago siyang dala mula sa kanyang business trip sa Rome, Italy.
Ani Bryan Boy, mas mahal ito ng kaunti sa pinakita niyang Gucci Rice. 40,000 euros umano ang presyo ng isang pack ng Fendi pasta na kanyang pinakita.
Nagpasaring din siya tungkol sa nagbukas umano ng restaurant ngunit nilangaw ang grand opening.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.
Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.
Source: KAMI.com.gh