Roxanne Barcelo, pinakilala sa publiko ang kanyang ikalawang anak
- Pinakilala ni Roxanne Barcelo ang kanyang pangalawang anak na pinangalanan nilang Theodore Antonio na hango sa pangalan ng tatay ni Roxanne at sa kanyang lolo
- Sa kanyang bagong vlog, binahagi ni Roxanne na nanganak siya ilang araw bago siya magdiwang ng kanyang kaarawan nitong taon
- Matatandaang naibahagi ni Roxanne sa social media ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ng kanyang mister
- Kasalukuyang naninirahan si Roxanne sa Taiwan kasama ang kanyang dalawang anak at ang kanyang asawa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinakita ni Roxanne Barcelo sa unang pagkakataon ang kanyang pangalawang anak na pinangalanan nilang Theodore Antonio na hango sa pangalan ng tatay at lolo ni Roxanne. Ayon sa kanya, nanganak siya ilang araw bago ang kanyang kaarawan nitong January 20 ng kasalukuyang taon.
Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya si Theo. Matatandaang Setyembre noong nakaraang taon nang isapubliko ng dating aktres ang tungkol sa pagdadalang-tao niya sa pangalawang anak nila ng mister na si Jiggs.
Marami naman sa kanyang viewers ang natuwa na makita ang bagong update ni Roxanne dahil limang buwan na ang nakakalipas nang huli siyang mag-upload ng vlog niya:
Nakakamiss ka Mommy Badidap! Walang kupas, maganda parin Congrats! I’m so happy for you and your family
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sobrang, namiss ko yung vlog mo ate. Ang pogi-pogi din ni Baby Theo! Mag-iingat po kayo diyan palagi nila papa panda, baby cinco,at ni baby Theo.
Grabe mamsh gumanda ka lalo. I'm so happy for you.
Si Roxanne ay isang mang-aawit, songwriter, aktres, host at vlogger na unang nakilala nang sumali siya sa Metropop Search ng GMA-7. Nakasama din siya sa youth-oriented show na Click. Bukod sa kanyang paging bahagi ng ilang mga palabas sa telebisyon, sumikat din ang kanyang awiting "Kung Alam Mo Lang" (If You Only Knew), na tagalog version ng "Because I'm A Girl" na inawit ng South Korean female pop trio band na Kiss.
Isa sa pinaka-pumatok na vlog ng aktres ay ang kanyang house tour. Samantala, matapos mabatikos dahil sa pagbahagi ng isang tweet tungkol kay Alex Gonzaga, humingi ng dispensa ang aktres.
Matatandaang ibinahagi ni Roxanne na siya ay ikinasal na sa kanyang partner. Kwento niya, dalawang beses itong nag-propose sa kanya bago naganap ang kasalan. Samantala, hindi pa ipinapakilala ng aktres ang kanyang asawa ngunit nagbahagi siya ng ilang litrato na kuha sa kanilang pag-iisang dibdib. Bumuhos ang pagbati para sa aktres matapos nitong ibahagi ang tungkol sa bagong kabanata ng kanyang buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh