Miles Ocampo, sasailalim pa sa isang procedure: "After that, maintenance na lang for life"

Miles Ocampo, sasailalim pa sa isang procedure: "After that, maintenance na lang for life"

- Naibahagi ni Miles Ocampo sa kanyang guesting sa 'Magandang buhay' ang naging health emergency niya kung saan kinailangan niyang magpaopera

- Ani Miles, mabuti at naagapan niya at nakapagpaopera kaagad dahil maari umanong lumala ang kanyang kondisyon na may kinalaman sa kanyang thyroid

- Naging palaisipan umano sa kanya noong palagi siyang hinihingal at nadadagdagan ang timbang niya kahit aniya ay ginagawa naman niya ang dapat niyang gawin

- Kaya naman, napagpasyahan niyang magpasuri at doon nasabi sa kanya na kailangan niya nang magpaopera kaagad

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Miles Ocampo, na-frustrate siya dahil sa kanyang weight gain noong hindi pa niya alam na life-threatening pala ang health emergency niya. Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, sinabi niyang matapos ang unang operation ay sasailalim pa umano siya sa isa pang procedure.

Read also

Miles Ocampo, nagpasalamat sa lahat ng suportang natanggap

Miles Ocampo, sasailalim pa sa isang procedure: "After that, maintenance na lang for life"
Miles Ocampo, sasailalim pa sa isang procedure: "After that, maintenance na lang for life" milesocampo
Source: Instagram

Kabilang umano sa kanyang naramdaman noon ay lagi siyang hinihingal at parang lagi siyang sinasakal. Nang magpatingin siya ay nasabi sa kanya na kailangan niyang magpaopera kaagad.

Pinasalamatan naman ni Miles ang kanyang pamilya, ang kanyang management at ang boyfriend niyang si Elijah Canlas dahil sa suportang kanyang natanggap sa gitna ng kanyang pinagdadaanan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Miles Ocampo o Camille Tan Hojilla sa tunay na buhay ay isang Filipina actress, model, writer, at singer. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN gag show Goin' Bulilit. Naging bahagi siya ng Star Magic. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.

Naikwento ni Miles na batang Quiapo ang unang role niya sa teleserye noong 2004. Ito ay sa seryeng 'Mangarap Ka' na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban. Noon pa man, hinangaan na siya sa pag-arte sa pag-aakalang batang lalake siya. Kamakailan ay nag-viral ang kahanga-hangang acting ni Miles sa pilot episode ng FPJ: Batang Quiapo.

Sa video na binahagi ni Bernadette Sembrano ay naibahagi ni Miles ang ilang mga bagay tungkol sa takbo ng kanyang career. Sa kabila ng tinatamasang tagumpay at papuri sa kanyang mahusay na pag-arte, inamin niyang dumating siya sa punto na parang gusto niyang sumuko sa kanyang career. Matapos nga ang naging matagumpay na pagganap niya kamakailan sa FPJ: Batang Quiapo, payo ni Miles na gawin ang best sa kanilang larangan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel