Roxanne Barcelo, kinuwento ang ilang detalye tungkol sa kanyang pagpapakasal

Roxanne Barcelo, kinuwento ang ilang detalye tungkol sa kanyang pagpapakasal

- Ibinahagi ni Roxanne Barcelo na siya ay ikinasal na sa kanyang partner

- Kwento niya, dalawang beses itong nag-propose sa kanya bago naganap ang kasalan

- Samantala, hindi pa ipinapakilala ng aktres ang kanyang asawa ngunit nagbahagi siya ng ilang litrato na kuha sa kanilang pag-iisang dibdib

- Bumuhos ang pagbati para sa aktres matapos nitong ibahagi ang tungkol sa bagong kabanata ng kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagulat sa ibinahaging balita ni Roxanne Barcelo sa social media. Ibinahagi niya ang ilang litrato na kuha sa kanyang kasal. Gayunpaman, hindi pa niya ipinapakilala ang kanyang asawa sa publiko.

Sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi ng aktres ang ilang kaganapan sa kanyang buhay matapos niyang matigil pansamantala sa paggawa ng mga YouTube videos.

Ayon sa kanya, ang dahilan kung bakit hindi na siya nakapaggawa ng mga videos para sa channek niya ay dahil wala na ang kanyang editing team. Gayunpaman, mayroon na siyang muling makakasama kaya babalik na siyang muli sa paggawa ng YouTube content.

Read also

Vlogger, namahagi ng brand new TV sa mga taong nadaanan niya sa kalsada

Roxanne Barcelo, kinuwento ang ilang detalye tungkol sa kanyang pagpapakasal
Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)
Source: Instagram

Ibinahagi niya rin na dalawang beses nag-propose sa kanya ang asawa. Aniya, masaya siyang maging ang kanyang pamilya ay mahal ang kanyang partner na hindi niya pa isinasapubliko ang pagkakakilanlan.

Maging sa mga litratong ibinahagi niya ay likod lamang ng asawa niya ang makikita.

Isa sa naibahagi ni Roxanne ay kung paanong iniligtas ng asawa ang kanyang nanay sa kasagsagan ng pagbaha. Binuhat umano nito ang kanyang ina para mailikas sa tumataas na tubig baha.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napagpasyahan din ni Roxanne na ipagpatuloy ang kanyang hilig sa pagkanta. Matatandaang isa siya sa mga kalahok sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Roxanne ay isang mang-aawit, songwriter, aktres, host at vlogger na unang nakilala nang sumali siya sa Metropop Search ng GMA-7. Nakasama din siya sa youth-oriented show na Click.

Read also

Vlogger na si Toni Fowler, ibinahagi ang kanyang new look matapos magpa-rhinoplasty

Bukod sa kanyang paging bahagi ng ilang mga palabas sa telebisyon, sumikat din ang kanyang awiting "Kung Alam Mo Lang" (If You Only Knew), na tagalog version ng "Because I'm A Girl" na inawit ng South Korean female pop trio band na Kiss.

Isa sa pinaka-pumatok na vlog ng aktres ay ang kanyang house tour. Samantala, matapos mabatikos dahil sa pagbahagi ng isang tweet tungkol kay Alex Gonzaga, humingi ng dispensa ang aktres kamakailan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel