Vlogger na si Toni Fowler, ibinahagi ang kanyang new look matapos magpa-rhinoplasty

Vlogger na si Toni Fowler, ibinahagi ang kanyang new look matapos magpa-rhinoplasty

- Ipinakita ng vlogger na si Toni Fowler ang kanyang itsura matapos sumailalim sa rhinoplasty

- Sa isang YouTube video na pinamagatang Nose Reveal, ibinahagi ni Toni ang kinalabasan ng kanyang pagpaparetoke

- Masayang-masaya umano siya sa itsura ng kanyang ilong at pinasalamatan niya ang doktor na gumawa ng kanyang ilong

- Maging ang mga kaibigan at kapamilya ni Toni ay masaya para sa vlogger dahil nagustuhan nito ang kanyang itsura

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang ilang araw simula nang ibahagi ni Toni Fowler ang kanyang pagpaparetoke sa kanyang ilong, ibinahagi niya ang resulta ng kanyang pinagawa.

Masayang-masaya si Toni sa kinalabasan ng rhinoplasty na kanyang pinagawa sa isang doktor na malapit sa kanya dahil ito umano ang sumagip sa buhay niya.

Maging ang mga kaibigan at kapamilya ng vlogger ay masaya para sa kanya dahil kitang-kita ang kasiyahan nito sa kanyang new look.

Vice Ganda, masayang ibinahagi na nakalipat na siya sa bagong bahay

Isa-isa ding nagbigay ng kanilang mensahe ang kasamahan ni Toni na dumalo sa kanyang nose reveal.

Vlogger na si Toni Fowler, ibinahagi ang kanyang new look matapos magpa-rhinoplasty

Photo from Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang ibinahagi ni Toni ang video ng mismong araw kung kailan siya sumailalim sa rhinoplasty. Nagbibigay din siya ng update sa pamamagitan ng kanyang social media accouts pati na rin sa kanyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Toni Fowler ay unang nakilala sa social media bilang isa sa mga RBreezy girls. Matapos madawit sa hiwalayang Jelai Andres at Jon Gutierrez, dumami ang sumuporta sa kanya hanggang sa lalong dumami ang kanyang YouTube Channel.

Sa kasalukuyan, unti-unti nang nagkakamabutihan ang mag-asawang Jon at Jelai samantalang si Toni naman ay karelasyon ang Kapuso actor na si Rob Moya.

Liz Uy, buntis na sa ikalawang anak nila ni Raymond Racaza

Matatandaang kinompronta ni Toni ang isang basher na dinamay pati ang kanyang anak na si Tyronia sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo. Gayunpaman, iginiit ng nasabing basher na na-hack umano ang kanyang Facebook account at itinangging siya ang nangbash kay Toni.

Kaya naman nang sumablay ito sa lie detector test, nanindigan si Toni na kakasuhan niya ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel