Vice Ganda, masayang ibinahagi na nakalipat na siya sa bagong bahay

Vice Ganda, masayang ibinahagi na nakalipat na siya sa bagong bahay

- Masayang ibinahagi ni Vice Ganda ang balitang naturn-over na ang kanyang bagong bahay

- Ayon sa TV host, kaya siya na-late sa pagpasok sa It's Showtime ay dahil kinailangan niyang ipasok sa bahay ang bigas at asin bilang pagsunod sa nakaugalian

- Gayunpaman, hindi na siya nagkaroon ng housewarming party bilang pag-iwas sa pagtitipon na ipinagbabawal sa kasalukuyang sitwasyon

- Matatandaang ibinahagi ni Vice Ganda ang tungkol sa kanyang pinatayong bahay sa kanyang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni Vice Ganda na naturn-over na ang bagong bahay na kanyang ibinahagi kamakailan sa kanyang YouTube channel.

Ayon kay Vice, kaya siya nahuli sa pagpasok sa noontime show na It's Showtime dahil kinailangan niyang ipasok ang bigas at asin kagaya sa nakasanayan at pinaniniwalaang pampaswerte kapag lumipat ng bahay.

Ibinahagi niya rin ang kanyang pinagdaanan sa mga dating tinirahan na bahay. Naging mahirap man ang kanyang pinagdaanan, nagawa niyang gawing inspirasyon iyon upang lalo siyang maging malakas sa pagharap sa hamon ng buhay.

Vlogger na si Toni Fowler, ibinahagi ang kanyang new look matapos magpa-rhinoplasty
Vice Ganda, masayang ibinahagi na nakalipat na siya sa bagong bahay

Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kamakailan ay ipinasilip ni Vice Ganda ang kanyang Walk-in closet sa kanyang bagong pinagawang bahay. Makikita sa mga ibinahaging Instagram Story ng TV host na nag-aayos sila ng mga gamit sa kanyang closet.

Matatandaang sa part 2 ng kanyang tour house vlog, sinabi niyang paborito niyang bahagi ng bagong bahay niya ang kanyang walk-in closet.

"This is my favorite part, this is the walk-in closet. Ito ang pinakamalaking area sa bahay, mas malaki pa sa master's bedroom. Lalagyan ng gowns, gowns and gowns. Lalagyan ng shoes, shoes and shoes," pagbabahagi niya sa kanyang mga viewers.

Naibahagi niya ring wala nang house warming na magaganap sa kadahilanang pinagbabawal ang pagtitipon tipon dahil sa COVID. Anim na taon nang nabili ni Vice ang property at inabot ng tatlong taon ang pagpapagawa ng bahay.

Donnalyn Bartolome, ipinaliwanag kung bakit hindi na nagkakasama ang #DoLaiNab

"Binili ko ‘to para sa lolo ko. Nung namatay ang lolo ko, sobra akong na-sad, nawalan ako ng ganang ipatayo siya. Tumengga siya ng ilang taon," kwento nya.

Mayroon ding elevator ang kanyang bagong bahay na kanyang pinasadyang pinagawa para hindi na mahirapan ang kanyang ina. "May elevator kasi siyempre ‘yung nanay ko pagpupunta rito, masakit ‘yung tuhod, hindi niya kakayaning umakyat. Kaya nagpagawa ako ng elevator for her,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concert.

Liz Uy, buntis na sa ikalawang anak nila ni Raymond Racaza

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan ang video ni Vice Ganda kung saan sinubukan niyang maging empleyado ng isang kainan.

Naging usap-usapan din ang video ng TV host kung saan makikita kung paano sila inilikas sa cottage na kanilang tinutuluyan nang humagupit ang bagyong Ulysses.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel