Liz Uy, buntis na sa ikalawang anak nila ni Raymond Racaza

Liz Uy, buntis na sa ikalawang anak nila ni Raymond Racaza

- Ibinahagi ni Liz Uy ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao sa ikalawang anak niya

- Kagaya niya, masaya din umano ang kanyang fiancé na si Raymond Racaza sa kanyang pagbubuntis

- Gayunpaman, ibinahagi niyang nakakaranas siya ng Hyperemesis Gravidarum na dinanas niya rin sa unang pagbubuntis

- Matatandaang ibinahagi ni Liz ang tungkol sa engagement nila ni Raymond noong October 27 ng kasalukuyang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi Liz Uy ang balita tungkol sa kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ng fiancé na si Raymond Racaza. Sa pamamagitan ng isinulat niyang artikulo sa Philippine Star, ibinahagi ni Liz ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Ayon sa kanya, mag-aapat na buwan simula nang mag-lock down nang matuklasan niya ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao.

Kagaya niya ay masaya din si Raymond sa balita.

Mag-inang Julia at Marjorie Barretto, kumasa sa lie detector challenge
Liz Uy, buntis na sa ikalawang anak nila ni Raymond Racaza

Photo from Liz Uy (@lizzzuy)
Source: Instagram

Hanggang sa muli niyang maranasan ang mga dinanas niya noong pinagbubuntis niya ang panganay nilang si Xavi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi niyang dinanas niyang muli ang Hyperemesis Gravidarum. Ayon sa Webmd.com, tatlong porsiyento lamang ng mga kababaihang nagbubuntis ang nakakaranas nito.

Ito ay ang labis-labis na pagsusuka na maaring makaapekto sa kalusugan ng ina. Kadalasang nauulit ito sa mga babaeng nakaranas na ng ganitong kondisyon sa kanilang naunang pagbubuntis.

Ayon pa kay Liz, maging ang mga inumin kagaya ng orange juice ay hindi madaling inumin dahil ilalabas lamang niya iyon.

Dahil sa kalagayan niya ay bumaba na rin ang kanyang timbang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinanganak ni Liz ang anak nila ni Raymond Racaza na si Xavi noong September 20, 2017. Ngunit noong March 2018 lamang ipinakilala sa publiko ni Liz ang anak sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Dimples Romana, naiyak sa sorpresa ng asawang si Boyet Ahmee

Matatandaang ibinahagi ni Liz ang tungkol sa engagement nila ni Raymond noong October 27 ng kasalukuyang taon.

Matatandaang naging usap-usapan ang tungkol sa pagbubuntis niya kasunod ng mga makahulugang post ng dating asawa ni Racaza sa social media.

May naging pasaring ito tungkol sa pang-aagaw. Gayunpaman, sa kasalukuyan, may lumabas na balitang engaged na rin ang dating asawa ng businessman.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel