Loisa Andalio, sumang-ayon at natawa sa tweet tungkol sa pagiging kutohin niya noon

Loisa Andalio, sumang-ayon at natawa sa tweet tungkol sa pagiging kutohin niya noon

- Natawa si Loisa Andalio sa isang tweet kung saan sinabi ng isang Twitter user na malaki ang naitulong ng pagiging kutuhin niya

- Dahil daw dito ay nagkaroon siya ng trademark at naalala siya ng netizens nang maging bahagi siya ng 'Pinoy Big Brother'

- Sumang-ayon naman dito si Loisa at nagpasalamat pa sa Twitter user na nagbahagi ng kanyang opinyon

- Maging ang direktor na si Jojo Saguin ay nagsabing sa pagiging kutuhin daw ni Loisa ay nagkaroon siya ng 'Wansapanataym' show tungkol sa buhok niya na nagkaroon ng mataas na rating

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Di napigilan ni Loisa Andalio na matawa sa binahaging opinyon ng isang netizen tungkol sa pagiging kutohin niya noong nasa Pinoy Big Brother pa siya. Sumang-ayon siya sa sinabi ng isang Twitter user na nagkaroon siya ng trademark at naalala siya ng netizens dahil sa pagiging kutohin niya noon.

Read also

Toni Fowler, hindi pinagsisihan ang paglabas niya ng MPL music video

Loisa Andalio, sumang-ayon at natawa sa tweet tungkol sa pagiging kutuhin niya noon
Loisa Andalio, sumang-ayon at natawa sa tweet tungkol sa pagiging kutuhin niya noon (@iamandalioloisa)
Source: Instagram
Malaki ang naitulong kay loisa ng pagiging kutuhin nya sa show kasi nagkaroon sya ng trademark para maalala ng netizens..

Natawa naman si Loisa dito at nagpasalamat sa ibinahagi ng naturang Twitter user.

grabe ka naman, pero oo nga thank you din po

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging ang direktor na si Jojo Saguin ay nagsabing sa pagiging kutuhin daw ni Loisa ay nagkaroon siya ng Wansapanataym show tungkol sa buhok niya na nagkaroon ng mataas na rating.

Si Loisa Andalio o Josefina Loisa Francisco Andalio sa totoong buhay ay isang Filipino actress at dancer. Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: All In, kung saan nakilala siya bilang ang "Talented Darling ng Parañaque".

Aminado si Ronnie Alonte na nadismaya sila sa usad ng paghuli sa nanloob sa kotse nila ni Loisa. Aniya, kumilos naman ang mga otoridad ngunit aniya ay nakakalungkot na kahit artista sila ay wala pa ring napapanagot sa nangyari. Dagdag pa niya, paano na lang kaya kung nangyari iyon sa ordinaryong mamamayan. Gayunpaman, umaasa pa rin umano silang may mahuli agad ang salarin para wala ng ibang mabiktima.

Read also

Jason Hernandez, never umano sasagot para ipagtanggol ang sarili

Samantala, pinabulaanan nina Ronnie at Loisa ang haka-hakang may video umano sila sa mga nanakaw na cellphone sa kanila. Sa tanong sa kanila nabanggit ang tungkol sa usap-usapan na binabantaan umano silang ilalabas ang video. Natawa na lamang ang magkasintahan habang pinapabulaanan ang naturang kwento at anila ay safe sila. Matatandaang tatlong cellphone nila ang nawala nang looban ang kanilang kotse kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel