Ronnie Alonte at Loisa Andalio, pinabulaanan ang tsismis na may maselang video sila sa nanakaw na cellphone

Ronnie Alonte at Loisa Andalio, pinabulaanan ang tsismis na may maselang video sila sa nanakaw na cellphone

- Pinabulaanan nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang haka-hakang may video umano sila sa mga nanakaw na cellphone sa kanila

- Sa tanong sa kanila nabanggit ang tungkol sa usap-usapan na binabantaan umano silang ilalabas ang video

- Natawa na lamang ang magkasintahan habang pinapabulaanan ang naturang kwento at anila ay safe sila

- Matatandaang tatlong cellphone nila ang nawala nang looban ang kanilang kotse kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natawa na lang ang magkasintahang Ronnie Alonte at Loisa Andalio nang tanungin sila tungkol sa kumalat na balitang may video umano sila sa cellphone na nanakaw sa kanila. Natawa na lamang ang magkasintahan habang pinapabulaanan ang naturang kwento at anila ay safe sila.

Ronnie Alonte, sinorpresa si Loisa Andalio sa kanilang ika-limang taon bilang magkasintahan
Ronnie Alonte, sinorpresa si Loisa Andalio sa kanilang ika-limang taon bilang magkasintahan(@iamandalioloisa)
Source: Instagram

Nagbiro pa ang dalawa tungkol dito ngunit anila ay walang katotohanan ang haka-hakang ito.

Matatandaang kamakailan ay naging biktima ang dalawa ng bukas-kotse sa mismong labas ng cafe nila. Matapos umano ng pangyayari ay nagpalagay na ng CCTV ang magkasinatahan sa cafe nila para na rin sa kanilang kaligtasan.

Read also

Ronnie Alonte, dismayado sa bagal ng pag-usad ng paghuli sa nangbiktima sa kanila

Sa kabila ng nangyari ay nagpapasalamat sila na wala umanong nasaktan dahil anila ang mga gamit ay napapalitan naman. Naibahagi din ni Ronnie na nakita niya ang mukha ng bumasag sa salamin ng kotse nila. Nakagawa pa umano ulit ng panloloob ng kotse ang naturang lalake.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ulat ng Philstar noong Oktubre, pinaghahandaan pa lamang ng magkasintahang Loisa at Ronnie ang negosyo nilang dalawa. Sinabi ni Ronnie na habang may nabibigay pang trabaho sa kanila ay kailangan nilang maging maayos sa paghawak ng kanilang pera lalo at sa kasalukuyan ay maraming mga bagong artista ang nakikilala.

Naiulat naman ng Push ang tungkol sa panloloob sa kotse ng magkasintahan sa Molino Road, Barangay Molino 3. Kinumpirma ito ng Bacoor City Police.

Si Loisa Andalio o Josefina Loisa Francisco Andalio sa totoong buhay ay isang Filipino actress at dancer. Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: All In, kung saan nakilala siya bilang ang "Talented Darling ng Parañaque".

Read also

Ellen Adarna at Derek Ramsay, hindi umano pinlano ang 2nd wedding nila

Kamakailan ay nag-post si Loisa ng video na kuha sa birthday party ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte. Makikita sa video ang masayang pagtitipon ng mga mahal sa buhay ni Ronnie. Naglagay din si Loisa ng kanyang mensahe para kay Ronnie. Pinasalamatan naman ni Ronnie si Loisa sa pamamagitan ng paglagay ng kanyang mensahe sa comment section.

Naging usap-usapan ang post ni Loisa kamakailan tungkol sa pangako at kasinungalingan. Aniya, mas masahol pa ang pangangako kesa sa pagsisinungaling dahil hindi lamang umano ito pagpapaniwala kundi pagpapaasa. Sa comment section ng post niya ay nilinaw niyang walang kinalaman sa kanyang buhay pag-ibig ang kanyang quote na binahagi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel