Ellen Adarna at Derek Ramsay, hindi umano pinlano ang 2nd wedding nila

Ellen Adarna at Derek Ramsay, hindi umano pinlano ang 2nd wedding nila

- Naibahagi nina Ellen Adarna at Derek Ramsay na hindi nila binalak ang kanilang second wedding

- Sa kanilang kwento sa panayam sa kanila ni Morly Alinio, wala umano silang kaalam-alam sa inihanda ng agency para sa kanila

- Binahagi ng mag-asawa kung paano naganap ang kanilang kasal na ginawa ng shaman

- Matatandaang kamakailan ay naibahagi ng mag-asawa ang kanilang baksyon na tumagal ng tatlong linggo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi alam nina Ellen Adarna at Derek Ramsay na ikakasal pala sila uli sa kanilang bakasyon kamakailan. Ang kanilang tour ay regalo ni Ellen bilang regalo kay Derek sa kanilang first wedding anniversary.

Ellen Adarna at Derek Ramsay, hindi umano pinlano ang 2nd wedding nila
Ellen Adarna at Derek Ramsay, hindi umano pinlano ang 2nd wedding nila (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Matatandaang naibahagi ni Ellen ang tungkol sa kasal nilang ito sa kanyang Instagram post. Naibahagi din nila na tumagal ng tatlong linggo ang kanilang baasyon. Ayon kay Ellen, halos lahat ng bagay ay mayroon na si Derek kaya ang naisip niyang regalo ay ang makakapagpapasaya sa asawa niya at iyon ay ang makapunta siya sa Machu Picchu sa Peru.

Read also

Ronnie Alonte at Loisa Andalio, pinabulaanan ang tsismis na may maselang video sila sa nanakaw na cellphone

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please. Matatandaang naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila. Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Sa kanyang Instagram story nitong Sabado, pinakita ni Ellen Adarna ang isang boat jet na may nakalagay na pangalan niya. Maririnig ang kanyang pagsasalita sa video sa kanyang IG story kung saan sinabi niyang impulsive ang kanyang asawa. Naka-tag din sa naturang video clip si Derek at biniro pa ni Ellen ang mister na magsusumbong siya sa mommy nito. Sa isa pang story ay makikita si Ellen at ang anak niyang si Elias na nakasakay sa boat jet.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel