Ronnie Alonte, dismayado sa bagal ng pag-usad ng paghuli sa nangbiktima sa kanila

Ronnie Alonte, dismayado sa bagal ng pag-usad ng paghuli sa nangbiktima sa kanila

- Aminado si Ronnie Alonte na nadismaya sila sa usad ng paghuli sa nanloob sa kotse nila ni Loisa Andalio

- Aniya, kumilos naman ang mga otoridad ngunit aniya ay nakakalungkot na kahit artista sila ay wala pa ring napapanagot sa nangyari

- Dagdag pa niya, paano na lang kaya kung nangyari iyon sa ordinaryong mamamayan

- Gayunpaman, umaasa pa rin umano silang may mahuli agad ang salarin para wala ng ibang mabiktima

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Ronnie Alonte na dismayado siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang salarin sa pangloloob sa kotse nila ni Loisa Andalio. Gayunpaman, umaasa pa rin umano silang may mahuli agad ang salarin para wala ng ibang mabiktima.

Ronnie Alonte, dismayado sa bagal ng pag-usad ng paghuli sa nangbiktima sa kanila
Ronnie Alonte, dismayado sa bagal ng pag-usad ng paghuli sa nangbiktima sa kanila (@iamandalioloisa)
Source: Instagram

Sa panayam ng Push kina Ronnie at Loisa, sinabi ng aktor na kumilos naman ang mga otoridad ngunit aniya ay nakakalungkot na kahit artista sila ay wala pa ring napapanagot sa nangyari.

Read also

Ronnie Alonte at Loisa Andalio, pinabulaanan ang tsismis na may maselang video sila sa nanakaw na cellphone

“Kung tutuusin nakakalungkot lang din. Kasi celebrities na kami, kumilos naman sila. Pano pa kaya kung mga normal na tao? So medyo nakakalungkot lang kaya hoping pa rin kami na mahuli agad para wala ng ibang mabiktima."

Dagdag pa niya naulit pa ang pangyayari na parehas na tao pa rin ang may gawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kasi kinabukasan na nanagyari sa basag kotse namin is may binasagan ulit sila . Same sasakyan, same tao. Nagkaroon na sa cafe namin ng security at naglalagay na rin sila ng CCTV para safe na. Tapos kinausap na rin kami nila na pag pupunta kami dun may baranggay na nandun para safe.

Sa ulat ng Philstar noong Oktubre, pinaghahandaan pa lamang ng magkasintahang Loisa at Ronnie ang negosyo nilang dalawa. Sinabi ni Ronnie na habang may nabibigay pang trabaho sa kanila ay kailangan nilang maging maayos sa paghawak ng kanilang pera lalo at sa kasalukuyan ay maraming mga bagong artista ang nakikilala.

Read also

Ronnie Alonte at Loisa Andalio, nawalan ng P1B cryptocurrency

Naiulat naman ng Push ang tungkol sa panloloob sa kotse ng magkasintahan sa Molino Road, Barangay Molino 3. Kinumpirma ito ng Bacoor City Police.

Si Loisa Andalio o Josefina Loisa Francisco Andalio sa totoong buhay ay isang Filipino actress at dancer. Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: All In, kung saan nakilala siya bilang ang "Talented Darling ng Parañaque".

Kamakailan ay nag-post si Loisa ng video na kuha sa birthday party ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte. Makikita sa video ang masayang pagtitipon ng mga mahal sa buhay ni Ronnie. Naglagay din si Loisa ng kanyang mensahe para kay Ronnie. Pinasalamatan naman ni Ronnie si Loisa sa pamamagitan ng paglagay ng kanyang mensahe sa comment section.

Naging usap-usapan ang post ni Loisa kamakailan tungkol sa pangako at kasinungalingan. Aniya, mas masahol pa ang pangangako kesa sa pagsisinungaling dahil hindi lamang umano ito pagpapaniwala kundi pagpapaasa. Sa comment section ng post niya ay nilinaw niyang walang kinalaman sa kanyang buhay pag-ibig ang kanyang quote na binahagi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel